Mahilig akong magsulat ng mga bagay na interesado ako. Nagsimula ang hilig ko sa pagsusulat nung hayskul pa lang ako. Uso pa noon ang pagsusulat sa journal o diary at isa ako sa mga iyon (di lang naging routine/habit). Natuto rin akong magsulat ng tula base sa aking karanasan at naisin sa buhay. Hanggang sa dumating na nakasulat ako ng mga liriko kung saan ay nagagawa kong kanta.
Ang pagsusulat ay naging parte na ng aking pagkatao: mapa-online man o offline. Dito ko rin napag-alaman na maaari ka palang kumita ng pera sa pagsusulat. Ang pagba-blog ay isa na roon. Mamili lang ng topic kung saan sentro ang iyong pagsusulat at syempre dapat in-line sa interest mo. Ang pag-aapply bilang isang publisher sa adsense ay isa sa mga magandang bagay na naimbento. Kapag na-approve ang iyong application ay maaari ka ng magkaroon ng ads sa iyong website o blog. At kapag consistent at mataas ang traffic na nakukuha ng iyong blog ay pwedeng palitan na ang adsense ng sponsored advertisements. Kung saan mag-ooffer ka ng space sa blog/site mo sa mga advertisers. Negotiation at solid proof ang kailangan mo para makakuha ng prospect advertisers.
Inuulit ko may pera sa bawat paggalaw ng kamay mong may panulat sampu ng walang puknat na pag-iisip ng ating utak.
Tag line: Sa Pagsusulat Pwede Kang Kumita. Just ask me and I am willing to tell you. :)
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!