Thursday, June 30

Mag-eexit Na Si ING Sa Pilipinas

Nalungkot ako nung mabasa at malaman na mag-eexit na si ING sa Pilipinas bago matapos ang taong 2022.

Mag-aannounce pa naman uli sila kung kelan at nagpaalala na safe naman sa kanila ang mga savings ng kliyente nila.

Pero anytime soon ay ililipat ko na sa ibang digital bank/s ang ipon ko para mas lumago at lumaki pa ito.

Muli, nagpapasalamat ako sa pagbibigay ng 4% per annum at masaya ako na nag-impok at nagpark ng savings sa ING.

More power ING! Maraming salamat. =)

Tuesday, June 14

Grabe ang Laki ng ATM Withdrawal Fees

Grabe sa tuwing magwiwithdraw ako ng pera sa ATM tapos magkaibang bank eh di ko makuhang manghinayang sa 18 pesos na kaltas.

No choice ako eh lalo na pag kailangan ko ng pera tapos wala akong mahanap na kaparehang bank ng debit card ko.

Kaya ayun, ba-bye 18 pesos. 😂

Saturday, June 4

Elements I Forgot to Incorporate to My 3 Poetry Books

  • title on the edge or side of the book
  • pages (counter)
  • table of contents

I think those are the things that my books lack of. We usually see those elements in books.

But I guess I won't pursue them anymore as eBooks or digital products are where my interest now.

Thanks for reading this short blog post of mine. =)

Saturday, May 28

Mga Supermarket at Convenience Stores sa Pinas

Grabe dati 7-Eleven lang ang bukod tangi at namamayagpag subalit ngayon, kahit saan ka tumingin eh kabi-kabila na ang mga supermarket at convenience stores dito sa Pinas.

Nandyan ang Walter Mart, Puregold, Dali Everyday Grocery, Alfamart, AllDay Supermarket, Ministop, Family Mart at marami pang iba.

Magugulat ka na lang dahil kahit san ka magawing lugar ay malaki ang porsyento na makakakita ka ng alinman sa mga ito.

Kaya kapag may kailangan kang bilhin ay nandyan sila para sa mga pangangailangan mo.

Tara, bili na!

Sunday, May 22

Cash Dividends From My Stock Portfolio

Grabe passive income na naman mula sa Philippine Stock portfolio ko. Kahit matagal na kong di nakakapag-invest uli, heto't nakatanggap na naman ng cash dividends mula sa dalawang higanteng kumpanya dito sa Pilipinas. Ang Meralco (MER) at Jollibee (JFC).

Masaya sa pakiramdam ang makakuha ng additional income mula sa mga investments natin. Matagal na kong advocate ng paglalagak ng extrang pera sa Philippine Stock Market at madalas ko itong nababanggit sa dating blog ko na www.jethrosas.com.

Sana ikaw rin nag-iinvest dahil hindi lang ikaw ang makikinabang sa ininvest mo kundi ang kumpanyang pinagkatiwalaan mo at nilagakan ng pera. Magagamit nila ang mga perang nalikom nila para mas mapalawak pa at mas mapaganda pa ang kanilang serbisyong ibinibigay sa atin.

Muli maraming salamat Meralco at Jollibee. Sya nga pala pag sinabing JFC eh hindi lang Jollibee ang sakop nito kundi kasama rin ang mga sister company nito na kinabibilangan ng Chowking, Greenwich, Mang-Inasal, Red Ribbon, Burger King Philippines at marami pang iba. Kaya kahit san ka kumain dyan eh kumikita ang may-ari ng Jollibee. :)

Sunday, May 8

Z-Lasik Plan at Shinagawa, Ortigas Branch

Nakakita ako ng 3 blogposts na naglalahad tungkol sa z-lasik para luminaw ang dating malabong mga mata.

Nakakaengganyo dahil mula highschool ay nakasalamin na ko. Nais kong maranasan ang magkaroon ng 20/20 vision subalit naroroon ang kaba kung safe nga ba sumailalim sa ganoong operasyon at magkano ang magagastos.

Naririto at basahin ang mga nasabi kong blogposts mula sa kapwa nating pinoy na blogger.

My Z-Lasik Plan at Shinagawa Lasik and Aesthetics

My LASIK Screening at Shinagawa Ortigas Branch

My Z-Lasik Experience at Shinagawa: A Life-Changing Decision

Enjoy!

Sunday, May 1

Internet Service Providers Sa Pinas

Ikaw ba ay naghahanap ng mura at reliable na internet broadband plans dito sa Pinas?

Maraming pagpipilian subalit dapat ay pag aralan at pag isipang maigi dahil karamihan sa kanila ay may contract or lock-in period na kapag nakabitan ka na eh hindi ka basta basta makakapag end ng contract. Unless babayaran mo yung natitirang buwan doon sa lock-in period plus other fees (pero depende pa rin ito sa Internet Service Provider kaya dapat basahing maigi ang contract/terms & conditions bago magpakabit).

Anyway, naririto ang isang article na tungkol sa Internet Service Providers at mga iba't-ibang broadband plans sa Pinas. Basahin at magsaliksik. :)


My Half a Year 2026 Cash Dividends From Philippine Stock Market

Nag-share ako ng total na kinita ko last year (2025) sa Philippine Stock Market . Ngayon naririto uli ako upang ibahagi ang kinita ko sa hal...