Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Sunday, September 26
Every 2 Years, Nagpapalit ng Cellphone
Sa darating na December ngayong taong ito (2021) ay nakatakda ang pagpapalit uli namin ng kapatid ko ng aming cellphone. Bibili uli kami ng new cellphone sapagkat nakadalawang taon na mula ng nabili namin ang aming gamit na telepono. Ang aming pinaglumaang cellphone ay ibinibigay ko kay ate Erika, at si Joy kay Ricky.
May lifespan ang mga gamit na ating binibili, gamitin man natin o hindi. Kaya mas mainam na masira ang isang gamit o gadget ng ginagamit at ilang beses nang napakinabangan kesa magulat ka na lang mga isang araw, nung gagamitin mo na ay ayaw ng gumana o mag-on.
Ang katwiran ng iba tungkol sa desisyon ko na tuwing ikalawang taon ng Disyembre ay bibili ng bagong cellphone at papalitan na ang gumagana at ayos pang telepono ay sayang naman daw at gastos lang. Oo may punto sila pero iba-iba naman kasi ang paniniwala at mga naisin natin sa buhay. Kung may pambili ka at may ipon ka naman, go ahead. May makikinabang naman ng pinaglumaan ko. Enjoyin mo ang buhay at wag mong limitahan. Maiksi lang ang life at isang beses lang tayong dadaan.
Wag kang ipon ng ipon dahil nakaipon ka nga at tiniis mo ang sarili mo ng mahabang panahon, tapos sa pagtanda mo mahina ka na at kakaunti na lang ang iyong energy. Kahit gaano pa karami ang iyong yaman, ay hindi mo na ito mae-enjoy pag matanda ka na. Dapat yung tama lang. May ipon ka tapos i-enjoy ang buhay mo rito sa mundong ibabaw na minsan lang nating mararanasan.
Kaya ikaw bili na! Pero wag ka lang mangungutang para lang maipagyabang sa mga kaibigan na bago at mamahalin ang iyong telepono.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Panda Express Fortune Cookie
- Be bold, try something new. - Success will be yours. - You will find yourself at a happy crossroads. - You are in the company of exception...
Update: Hindi natuloy ang pagbili namin ng bagong cellphone. Yung kapatid ko dahil maraming gastusin na mas mahalaga. Ako may pinag iipunang mas importante. Ayos pa naman ang teleponong gamit ko kaya keri lang. :)
ReplyDeleteNgayong buwan ng December 2024 ay nakatakda akong bumili ng bagong smartphone na Poco M6 Pro sapagkat marami ng problema ang teleponong gamit at nabili ko noong December 2019.
ReplyDeleteEither sa Shopee or Lazada ako bibili. Syempre bago ako nagdesisyon ay nireresearch ko ng matagal at nakita ko naman ang mga magagandang reviews.