Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Wednesday, February 24

Huling Tula Ko Para Sayo

Ano ba naman ang laban ko sa taong di mo naman nakikita
Pero gusto n'yang makasama
Kesa sa palagi naman n'yang nakikita
Pero di gustong makasama

Dun palang talong-talo na
Bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili sa kanya
Apektado pa rin kahit di naman naging sila
Masakit pa rin ang lahat sa kanya

Di ko alam kung madali lang akong sumuko
O sadyang loser lang ako
Naisantabi ang mga pangarap ko
Mga pangako'y napabayaan ko

Ang diretsong linyang aking tinatahak
Ay bahagyang natigil sa paglalakad
Mapakaliwa, mapakanan nabaling ang atensyon
Maraming nasayang na mga pagkakataon

Ngayong naisipang bumalik na sa lugar kung san ako tumigil
At ipagpatuloy ang naiwang layunin
Di pa naman huli ang lahat na maglakbay ulit
Kahit ang puso'y punong-puno na ng tinik.


Ang tula kong ito ay naisulat ko nung isang taon pa (May or June, 2015) subalit ngayon ko lang naisipang ilagay dito sa blog ko. Sana'y magustuhan ninyo. :)


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.