Mahirap namang bantayan
Ang ating nararamdaman
Ang payo mo'y tila nagpagulo
Sa isipan at damdamin ko
Sinasabi mong di totoo
Ang lahat ng emosyon ng tao
Masyado raw itong mapanlinlang
Huwad at pwede kang masaktan
Ang sabi mo wag gumawa ng paraan
Para lang makasama ka
Maging natural lang daw
Para walang ilangan
Madali daw mairita ang babae
Pag dikit ng dikit ang lalake
Sa ganun daw sila naiilang
Pero ganun ba ko sayong harapan
Subalit napaisip ako
Pagkat binibigyan mo ko ng motibo
Kaya akala ko ay okay sayo
Ang bawat ikinikilos ko
Tapos bigla na lang may ganito
Nabahiran ang aking mga plano
Nag-alangan na tuloy ako
Ituloy ang tibok ng puso ko
Mahirap diktahan ang nararamdaman
Pigilin at bumalik sa normal na lagay
Ano ba ang depinisyon mo sa natural
At baka ang nais mo'y isang kaibigan lang
Kung ayaw mong dumikit ako
Susubukan kong umiwas sayo
Sa wari ko'y ipinupunto mo
Na di totoo ang damdamin ko
Di madali ang ginagawa ko
Pigilan ang emosyon ng puso ko
Sayang napamahal ka na sakin
Subalit iyong hinadlangan at nakuhang putulin.
Ang tulang ito ay naisulat ko bago ang tulang "Huling Tula Ko Para Sayo" subalit dumaan ito sa maraming changes kasi gusto ko maging perpekto. Pero wala naman talagang perpekto kaya ito pinublish ko na para mabasa nyo na.
Matagal na to last year pa pero ngayon lang ako nagka-time na ipost to. Sana ay magustuhan ninyo. :)
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!