Napapansin ko karamihan sa mga babaeng pinoy, madalas walang dalang payong lalo na tuwing tag-ulan. Bakit kaya ganon no, ang ganda-ganda ng bihis, kumpleto ng mga pampaganda ang laman ng bag pero sa simpleng pangangailangan ng tao gaya ng payong, walang dala. Kung nabibigatan o sagabal sa inyong porma at bihis, pwede naman yung de tiklop na payong (folded umbrella). Pwede namang ipatago o ipabitbit nyo sakin basta chix ka, haha! Biro lang. Basta wag kalimutang magdala ng payong lalo na kung tag-ulan. Di naman makakabawas yun sa kagandahan mo.
Sige ka pag wala kang dala, papayungan kita. Pag chix ka, naku jackpot ako. Dagdag pogi points pa, haha! =D
Ikaw kung babae ka man, sana may narealize ka sa pagbasa nito. Mura lang ang payong, may tag-sisingkwenta dyan sa tabi-tabi. Yun nga lang pag super lakas ng hangin, mababalewala ang singkwenta (50.00) mo. hehe!
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!