Sumusulat ako kahit na ang propesyong natapos ko ay tungkol sa computer (IT). Kung titignan ay napakalayo ng kurso ko sa makalumang pamamaraan ng pagsusulat (Dear Diary) subalit hindi nalalayo kung sa moderno at makabagong paraan ng pagsulat. Ang halimbawa na rito ay ang blogging.
Ang proseso ng pagsulat ay nakadepende sa nakasanayan at natutuhan mo sa iba. Sa kagustuhan nating maging katulad o kagaya ng taong tinitingala natin ay nagiging palabasa at tagasunod tayo sa kanilang blog at website. Ninanais natin na maging katulad natin sila at matamo ang kanilang narating. Subalit sinasabi ko sa inyo ito: madalas kung ano ang narating nya ay di mo mararating. Bakit? Dahil walang taong magkakapareha. Ang isang bagay na hilig nya, minsan, ay kabaliktaran at ayaw mo. Samakatwid, habang inaaral mo ang tagumpay ng iyong iniidolo ay nagkakaroon ka ng ideya at sariling istilo sa pagsulat. Kung san ka magaling ay doon ka.
Sabi nga sa isang nabasa ko, kung gusto mong mahasa at maging magaling sa isang bagay ay dapat maglaan ka ng oras o kaunting panahon araw-araw. Gaya ng pagsusulat. Sulat ka lang araw-araw ng kahit ano. Di mo namamalayan na humuhusay ka na sa hilig at gusto mo. Kung mahilig kang magsulat ng tula, sumulat ka lang ng sumulat. Kung may hinahangaan kang artista, gumawa ng artikulo tungkol sa kanya (mga updates at kung ano-ano pa). Basta ang mahalaga ay ito, "a great writer is a great reader". Paano ka makakasulat kung hindi ka palabasa. Ganito lang yan, give and take. Alam natin na ang impormasyon ay galing din sa mundo kaya nararapat lang na ibalik natin kung anuman ang nalaman at nasagap natin. Ganun din ang talentong meron tayo. Alam natin na bigay ito ng Maykapal kaya nararapat lang na gamitin natin ito ng tama at sikaping linangin nang sa ganun ay makinabang ang ibang tao.
Ngayon bago ko tapusin ang entring ito ay uulitin ko ang title ng blog post na ito, "Ipagpatuloy Mo Lang Ang Pagsusulat At Tyak May Mararating ka".
Happy blogging!
Free WEB Hosting!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
Saturday, December 28
Ipagpatuloy Mo Lang Ang Pagsusulat Mo At May Mararating Ka
Tags:
experience,
inspirasyon,
kaisipan,
manlalakbay,
opinyon,
paniniwala,
share,
suhestyon/tips
Authored by:
Jethro
at
11:56 AM
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.