"Wag kang magseryoso sa taong hindi naman interesado sayo... para ka lang nagpagod ma-perfect ang isang exam na hindi naman recorded.."
Ako ang taong kahit hindi alam kung may pag-asa ay ipinipilit ang sarili sa iba. Umaasang sya'y mapapaibig din. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag type ko ang isang girl, ay di ko maiwasang kulitin sya (sa chat lamang, pag personal ibang usapan na) at ito ang ugaling gustong-gusto kong burahin at alisin. Kung ating titignan, ako lang naman ang assuming na baka maaari o pupwede.. sineseryoso rin ang lahat ng bagay kahit wala naman talaga - binibigyang malisya at kahulugan.. Minsan naisip ko, isaisip na lang ang mga pangarap at wag padadala sa mga ganitong bagay.. Marahil ito nga ang tinatawag nilang (isa) sagabal sa daan na nakabalandra.. isang temptasyon na ang tanging layunin ay malihis sa landas ang pangarap ko. Sa ngayon di masama ang magseryoso (sa ibang bagay) wag lang makakasira sa matagal ng binuong pangarap. Ipinapangako ko na mas lalo ko pang paiigtingin ang prinsipyo at magpapakabato..
Sa tingin ko ay unti-unti ko namang natatalikdan subalit kailangan pa ng effort na wag magkaroon ng sama ng loob (at may gana pang magtanim ng sama ng loob..). In the first place, ako ang may kagagawan nito at walang ibang involved... Isang indikasyon ng pagiging pilingero. =)
Free WEB Hosting!
natatawa ko kpg nababasa ko yung 'pilingero' haha parang tunog sosyal.. half english half tagalog..
ReplyDeleteminsan ganyan din ako.. kapag may nakita kong naqualify sa interests ko.. parang yung ginagawa nya na ordinaryo lang.. saken [deep inside] may kahulugan na.
kilig naman. pilingero talaga. lol
meron namang iba na sobrang busy..may oras siya sa'yo kaso hindi parati..kasi may pinagkakaabalahan siya.. :) the fact na nagbibigay siya ng time sa isang tao ay maganda na.. :)
ReplyDelete