Sayang kung di lang ako nag-awol sa una kong trabaho edi sana'y pampitong sweldo ko na sa kanila.. Nagawa ko lamang ito dahil sa mga hindi inaasahang bagay at wala naman talaga sa bokabularyo ko ang salitang iyun.. Isa pa mahaba ang kwento kung ikukwento.. baka sa susunod na.
Kung aking susumahin at aanalisahin ay nakaapat na sahod ako dun sa nauna at pangatlo na ngayon dito sa bago.. Malaki ang kaibahan at talagang nakakalamang itong kasalukuyan.
Biruin mo halos dalawang buwan ako dun sa dati at ngayon naman magdadalawang buwan na rin.
Muli kong binalikan at binasa ang aking kontrata at hanggang Oktubre 26 na lang eh expired na iyon. Hindi ko alam pero ang sabi magrerenew uli ng panibagong tatlong buwan. Walang kasiguraduhan pagkat ngayon nga lang nakaraang Linggo paiba-iba ang bersyon nila (desisyon) tungkol sa kung ilan ang kukuha ng Google Certification.. Ang masaklap pa nun pag hindi pumasa dito eh tsugi ka na raw.. Ang dating banggit ay may retake kung sakali mang di palarin ngunit hanggang naging ganito na ang ihip ng hangin.. Sa kangkungan na nga talaga ang bagsakan. Pero ang pampalubag loob ay baka tawagan na lang kung sakaling may bakante o nangangailangang posisyon..
Magdadalawang buwan na ko dito at isang buwan na lang expired na.. Kailangan makakuha agad ng cert sa lalong madaling panahon.. Sayang ang 780 kada araw kung matsutsugi... Anyway, wala pa naman kaya think positive and just give my best shot! Wish me luck. ^^,
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!