Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Wednesday, March 25

Babano-Bano sa Market-Market

Aba kahapon eh nanggaling kami ni Dice sa Market Market para maghanap ng mapapasukang kumpanya for ojt. Nanggaling kaming Telus dun sa 5th floor (upper ground ng nasabing mall) at kumuha ng form of application. Nalaman namin na hindi sila tumatanggap ng ojt at kung sakaling may bakanteng posisyon na programmer ay kukuha sila ng may experience. Na-hurt kami pero inoffer-an kami kung gusto namin mag call center agent. Sakin tutol agad ang isip ko dahil unang una ojt ang hanap namin hindi trabaho at ikalawa bulol ako hehe. Ewan ko lang sa kasama ko mukang gusto nya eh kaya lang gaya nga ng sinabi ko priority ang una kong nasabi. Matapos ang Telus eh kinontak na lang namin ang mga kumpanyang nasa listahan namin (actually pahiram lang samin yun ng isang kaibigan na nagngangalang lou, hehe) gamit ang payphone. Ang hirap makipag usap lalo na pag nasa mataong lugar. Hindi mo marinig kung galit ba ang kausap mo o sadyang ganun lang talaga magsalita. Nagpasya na kaming umuwi pero bago yun nagtungo muna kami ng cr. Nauna akong matapos umihi at nagpunta agad sa harapan ng salamin na may hugasan ng kamay. Aba'y dito ko napagtanto na ano na namang pauso meron ang mall na ito. Marami akong kasabay na naghuhugas at pilit kong pinagmamasdan kung paano gamitin ang gripong iyon ngunit patago lamang. Tinatanong ko ang sarili ng mejo malakas nang sa ganun marinig naman nila ang hinaing ko ("paano ba ito??") Inikot ikot ko na yung gripo at yung nasa kanan na tubo ngunit wala pa ring nangyari. Pinagtitinginan na ko subalit wala pa ring aksyon. Sa bandang huli natuklasan ko rin kung paano gamitin ang high tech nilang gripo, haha! Grabe ang kahihiyan ko nun mga wala man lang concern. Sabi ng kasama ko autodetected daw yung gripo dun gaya nung patuyuan ng kamay. Walang jo! Ganun lang pala yun pinahirapan pa ko, haha! Eto ang karanasan ng mga taong bibihirang maggagala sa mall. Taong bahay kasi ako, malay ko ba haha!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Friday, March 20

Ang Tao Talaga..

Bakit nga ba ang nature ng tao ay ganito.. ganyan.. Pilit na naghahanap ng makakasira ng kapwa tao na hindi nya gusto. Kahit hindi obvious ang pagpapasaring o ang kanyang motibo eh talagang mararamdaman mo. Ano kung ganun ang narating o natatanggap nya ang mahalaga marami syang napapasayang tao at masaya sya sa ginagawa nya. Why don't we be happy for her? Umiiral na naman ang pagka crab mentality natin. Maging masaya tayo kung anong meron tayo at wag ng mainggit sa iba. Pana-panahon lang ang pag-unlad ng isang tao at hindi panghabambuhay. Kaya habang nararanasan mo ang kaginhawaan matuwa ka na.. eh ano kung maliit lang ang bayad kay Sarah sa bawat movie na ginagawa nya at sa ibang nagsisimula pa lang e milyon na kaagad. (200,000/movie kay sarah). Natuwa ako sa sinabi ng ate ko na dahil sa Box Office Queen (2008) na sya (Sarah) e siguradong tataas ang ibabayad sa kanya (Go ate!) at sa komento ng isang popster na hindi naman nakukuha yan sa pataasan ng pera kundi sa gaanong kalaki ang naibibigay na kasiyahan sa bawat manonood. Be happy for everyone at maniwala na lang tayo sa goodness. Wag obvious ang pagtatanggol sa iniidolo dahil nakakairita pag paulit ulit na ang lumalabas sa bibig, okay?

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Thursday, March 19

Sakit Ko Na..

Sakit ko na ata ang makalimot. Sa kaunting panahong nagkasama tayo ay tila kulang ang espasyo sa isip ko. Kaya malamang ang dating sa kanila e suplado ako. Hindi naman sa matapos kong pakinabangan ang bait ng isang tao babaliwalain ko na kundi dahil sa mahina lang talaga akong umalala ng itsura. Pero kung isang linggo o buwan tayong nagkikita.. nagkakasama.. dun maaalala na kita. Sama na rin natin ang mga usapan ng nakaraan. Subukan mong umutang sakin ng pera at talagang makakalimutan ko na. Hindi ko alam kong nakakalimutan ko ba o sila lang ang nangtitrip. Kaya sinasabi ko na lang sure ka? Sagot naman nila oo kaya... Hehe ewan! basta aminado ako na ganito ang sakit ko. Sakit na hindi naman pisikal na palagay ng tao. Kundi sakit na ako lang ang nakakaalam na taglay ko...

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Monday, March 16

2009 Summer...

Malapit ng magbakasyon. Ano kayang naghihintay na future sakin? Alam ko na ang mangyayari ngunit hindi ko alam ang eksakto at detalye. Alam ko ngayong bakasyon ay kelangan kong makahanap ng mapapasukang kumpanya para sa ojt ko. Nauna na ang Infoman sa Makati kaya lang hindi ko type ang ino-offer nilang position sakin: troubleshooting. Wala pa naman akong alam dun pero kung wala na talaga baka pasukin ko na para matuto. Kaya lang dapat kahit papano may alam talaga dahil syempre kaya mo nga kinuha ang posisyong iyun dahil gusto mo. Pangalawa at binabalak namin ng mga kaibigan ko ay puntahan ang TESDA dito sa Taguig. Mamaya ay papapirma kami kay mam a at m ng recommendation letter para ipasa namin kasama ng resume sa nasabing kumpanya. Maganda ang ino-offer nilang posisyon dahil ang isa kong kaklase eh tanggap na. Programming ang pinapagawa sa kanya at vb pa ang language. Maganda sya dahil may background na kami dun. Yun nga lang hindi kami mag-iimprove o mag-go grow pag puro alam na namin ang bagay na gagawin namin. Wala ng challenge. Pero mas gusto ko na dun kesa dun sa nauna dahil may alam talaga ako. Eto na ang huling linggo ng klase namin kaya kelangan makahanap na talaga ako ng stable company na magha-hire sakin. Mahirap na! hehe! Wish me luck I mean us pala. Ikaw may nahanap ka na ba? ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Lady's Choice TV Commercial - Sarah Geronimo w/ Mommy Divine



Wednesday, March 4

Mga Estudyanteng PUPIANS..

Ngayon ko lang napagtanto na tunay ngang matatalino at magagaling ang mga estudyante sa PUP lalo na dito sa Taguig. May kanya-kanyang galing na kailangan ng bawat isa. Kaya pala ang hirap ng exam (entrance exam for incoming first year) para masala ng husto. Kagaya nga ng palagi kong sinasabi, may katangian sila na wala ako at ganon din naman sila. Nawala ang kaisipan ko dati na merong mas magagaling kesa sa iba o mas nakalalamang. Tama ito ngunit kung lahat ay paiiralin ang kagalingan na may kasamang pride (ego) tyak na magkakaroon ng di magandang ugnayan at pagkakaunawaan. Marahil may ilang (isang) tatayo upang mangasiwa sa kanila upang maipakita ng husto ang kani-kanilang kakayahan at talento. Pagkakaisa at pagtitiwala ang mabuting sandata upang makamit ang isang layunin o adhikain. Kaya sa mga fellow PUPIANS ko hanga ako sa inyo, nabuo ang salitang respeto at nabura ang paniniwala ng isang manlalakbay...
Thanks for reading! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Sabi Nila...

"Sabi nila ang Disneyland daw ang happiest place on earth... sabi ko naman... try mo sa piling ko baka magbago isip mo.."

Usapan With Kuya Miah... (part 2)

(for security purposes I will change his yahoo id as well as mine.)
me = manlalakbay
kuya miah = miah

...
miah: si mikel soryano
manlalakbay: si kuya ung org president?
miah: uu
miah: malogic cia
manlalakbay: kahit comedy pala un magaling din pala
manlalakbay: talagang hindi nakukuha sa itsura ang galing ng isang tao
miah: me kse. maraming lam n language, tpos syntax, experience at logic. kaya aun.
miah: kung logic lng kulng din eh
manlalakbay: so kelangan talaga ang paggawa ng website ng grupo hindi pwedeng isang tao lang ang gumawa
miah: uu
miah: tsaka mali ung kakanyahin lng
manlalakbay: kaya pala nagtataka ako.. magaling naman si sir arlan
miah: dapat hinahati pra matututo ang iba
miah: tsaka mas mbilis un
miah: dapt may team leader ung mag plaplano
manlalakbay: ngayon alam ko na kahalagahan ng team
manlalakbay: may kanya kanya rin kasing galing ang bawat isa
manlalakbay: na pwedeng makatulong o makadagdag sa ginagawang bagay
manlalakbay: :)
miah: tsaka dpat d k papahuli kung may bagong IDE un gmitin u. kunyare Visual studio 2003 gmt u tpos may visual studio 2008, un nlng gmitin u.