Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Wednesday, March 17

Reaksyon Sa Aking Nabasa13...

Si Rizal Bilang Magsasaka
p.285 (P.B.)

Sa aking palagay, ang pagiging magsasaka ay tunay na bayani ng bansa dahilan ang tingin sa kanila ng karamihan (lalo na sa atin) ay isang mababang uri ng trabaho. Subalit hindi natin nalalaman na sila ang mas nagbibigay sa atin ng mga kailangan sa pang araw-araw at mas binibigyang prayoridad (ang mga ganitong uri ng trabaho o "blue collar jobs") ng ilang bansa sa pamamagitan ng mas mataas na sweldo kumpara sa "white collar jobs". Hindi lang sa dalawang uri pumapasok ang kahalagahan nito.. (ang isa ay ang simbolismo na nagtatanim ng karunungan at ikinakalat sa iba, pagkatapos ay mamumunga at may halaga na sa lupang tinubuan). Ang isang halimbawa nito ay ang mga guro na patuloy na naghahandog o nagbabahagi ng kaalaman sa mga panibagong usbong na utak. Sa pagdaan ng araw, ay unti-unti itong mahahasa at malaki ang maiaambag sa bansa.. Si Rizal nga ay tunay na magsasaka na maraming naipunla..

Wednesday, March 10

Cleared Unclear Things..

Awts! Hindi ako natanggap dun sa kumpanyang tinawagan ako isang Linggo ng nakakalipas.. Nakakalungkot sa una pero sadyang ganun lang talaga.. I know this kind of situation will make me a better and stronger man in the future kaya nothing to regret it about.. Atleast I experienced being interviewed in a real job. I think I just failed today but failure is part of life that we can never escape.. If failure sometimes hits us, I know somewhere down the road success awaits.. And what I must do is to look for it.. Happy blogging! ^^,

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Tuesday, March 9

Reaksyon Sa Aking Nabasa12...

Nilagdaan ni Polavieja ang Pagbitay kay Rizal

Walang tama o mali sa mundong ito. Tayo lang mga tao ang nagpapalagay na tama ang isang bagay o mali base na rin sa impluwensya ng relihiyon. Maaaring tama para sa kanya ang kanyang ginawa subalit mali sa paningin ng iba.. May mga rason din na pilit tayong pinakikilos na wala sa ating bukabularyo. Hindi nila alam ang buong kwento at natatabunan lamang sila ng kanilang kwento. Tanging ang kasalukuyang larawan ang kanilang ginagawang batayan. Sang-ayon ako sa ginawa ni Polavieja, datapwat hindi na natin mababago iyon, kahit na naging masama o kontrabida ang tingin sa kanya ng mga Pilipino. Kung hindi nangyari ang ganon, malamang hanggang ngayon nasa kamay pa rin nila tayo.. Masama man o mabuti, kita't naisulat pa sya sa kasaysayan at naging tanyag ang pangalan. Mahirap magpakabuti dahil kahit anong gawin mong kasantahan, sa sandaling makagawa ka ng kasamaan agad-agad makikita ito ng tao. Kagaya din yan ng isang puting papel na kapag nilagyan ng malaking tuldok sa gitna ay ito agad ang unang makikita.

Tuesday, February 23

Pag-inom ng Tsaa..

Ang pag-inom ng tsaa ay isang bagay na nakasanayan ko na mula nung hayskul pa ko. Sa dahilang mabuti ito sa katawan at tradisyon na rin ng mga tao sa Asya.. Ngunit namimili lang ako ng iinuming tsaa sapagkat merong matatapang at kumukulay sa puting tasa... Kung kumukulay sa puting tasa malamang kumulay din ito sa ngipin.. Kaya minabuti ko na limitahan at piliin ang tsaang iinumin at ito nga ay ang "green tea". Sinasanay ko na ang aking sarili sapagkat dati ay napapaitan ako sa lasa nito ngunit lumipas ba naman ang ilang taon siguradong masasanay ka rin sa pait na dulot nito.. Kagaya din yan ng buhay, kung puro sarap at ligaya lang ang hanap mo maaaring mauwi sa hantungan ang lahat subalit kung matitiis natin ang hapdi at pait na ibinibigay nito asahan mong sa bandang huli ay may makakamtang ginhawa at ligaya..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Friday, February 19

Reaksyon Sa Aking Nabasa10...

Ang Pagkamartir sa Bagumbayan
p. 324 (P.B.)

Lahat talaga may hangganan at ito ang bagay na dapat nating tanggapin ngayon pa lang subalit mahirap na kapag naroroon ka na sa sandaling iyon. Ngunit iba ang pananaw ni Dr. Jose Rizal na kahit na hayag na sa kanya ang kanyang kahuli-hulihang sandali ay di mababawasan ang pagkalungkot o pagkatakot. Sa halip ay malugod pa n'yang tinanggap at inasikaso ang kanyang mga bisita upang masilayan sya sa kanyang huling sandali dito sa mundong ibabaw. Ayon sa kanya kung talagang kinailangan ka ng iyong bayan at ito na lang marahil ang tanging paraan (para sa ikabubuti nito) ay maluwag nyang iaalay ang kanyang sarili. May dahilan sya na ang taong maiiwan lang ang makakaunawa.. Maaaring magising sila sa matagal na nilang pagkakahimlay sa takot at pagkabahag ng buntot.. Maaari ding alam na nya ang nagawa na nya (ang lahat ng bagay) at handa ng ibigay ang kanyang buhay para sa bayan. Sana pagdating ng araw ay magaya o maging ganito rin ang tunguhin ko sa sandaling magparamdam na si kamatayan... Hindi lang sa aking sariling buhay kundi sa lahat ng mahahalagang tao sa akin.

Thursday, February 18

Reaksyon Sa Aking Nabasa9...

Nailathala ang Edisyong may Anotasyon sa Aklat ni Morga
p.192 (P.B)

Sang-ayong ako sa mga pahayag ni Blumentritt tungkol sa mga ilang historyador ng kani-kanilang bansa o ng buong mundo. Sinabi nya na maling ihambing (suriin) ang nakaraan sa pamantayan ng kasalukuyan at ang di-makatwirang pagtuligsa sa Simbahan (relihiyon) dahil sa ilang alagad nito na mapagsamantala. Mali nga namang punahin ang ginawa ng isang tao buhat sa nakaraan at ihambing sa kasalukuyan... Muli, sinasabi kong nakabatay ang kanilang gawi at kilos sa pangyayaring nagaganap at panahong naroroon sila. Isa pa, may dahilan na sila lamang ang nakakaalam kung bakit nila ginawa ang mga bagay na sa tingin ng ilan sa ngayon ay sadyang mali at imoral. Subalit hindi ako sang-ayon sa pahayag ni Blumentritt patungkol kay Rizal. Ninais lamang ni Rizal sa kanyang mga kababayan na malaman, pakasuriin at pag-aralan ang nagdaan mula noong simula't-simula pa lamang bago bigyan ng larawan (o ipagpalagay na bigla na lang naandyan o nadatnan sa ganoong kalagayan ang Pilipinas). Sa ganitong paraan ay mas mahuhusgahan ng tama ang kasalukuyan at mas masusuri ng ayos ang nilandas na tatlong siglong lumipas. Hindi nya sinuri ang nakaraan sa pamantayan ng kasalukuyan na kontra sa tinuran ni Blumentritt. Sa halip ay nais nya lamang iparating sa mga Pilipino ang kahalagahan ng nakaraan upang gawing batayan sa paghahanda para sa kasalukuyan at hinaharap. Ngunit may punto si Ginoong Blumentritt sa ikalawa niyang pahayag tungkol kay Rizal sapagkat tila nilahat ni Rizal at tinuring na masama (mali) ang Katolisismo dahil sa pang-aabuso ng prayle sa Pilipinas na ginagawang panangga ang aral at turo nito.

Sunday, February 7

Reaksyon Sa Aking Nabasa8...

Pag-aaral sa Wika
p.284 (P.B.)

Ang pagiging linggwista ay isang katangi-tangi at kabilib-bilib sa akin sapagkat sa dami ba naman ng lenggwaheng nalalaman hindi kaya magkahalo-halo ang mga iyon, magkagulo-gulo o baka makalimutan. Ayon sa libro na isinulat ng mga Zaide, 22 ang wikang alam ni Rizal at kabilang na dito ang mga bansang napuntahan o pinupuntahan nya. May dahilan kaya pinag-aaralan niya ang wika ng mga bansa, at isa na rito ay ang nais na paglaya ng Pilipinas sa Espanya gamit ang mga ito bilang sandata. Isa pa, likas na matalino at natatangi si Jose Rizal. "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda"... Ang linyang ito na mula sa tulang "Sa Aking Mga Kabata" (na katulong sa pagsasaayos ang kanyang ina) ay naisulat niya noong sya'y walong-taong gulang palang at hindi pa ang kilala nating Rizal na binaril sa Bagumbayan (Luneta). Ang tao habang nabubuhay at lumalaki ay nagbabago ang pananaw at paniniwala. Kagaya nga ng sinabi ko, iba ang panahon noon kesa ngayon. Nagawa niyang magsulat, magsalita sa wikang iba (lalong-lalo na ng Espanyol) alang-alang sa kanyang bansa at para na rin maunawaan sya ng taong pinapatungkulan nya. Sapagkat kung wikang tagalog ang ginamit nya, sa tingin mo ba maiintindihan sya ng mga Espanyol at maisasagawa ang pagbabagong minimithi? Alalahanin na may dahilan ang lahat ng desisyon...

Sunday, January 31

Reaksyon Sa Aking Nabasa7...

Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Espanyol
p.59 (P.B.)

Naranasan ko na rin ang maging biktima ng pang-aabuso. Tatlo kaming nakadanas ng kawalang-katarungang pagtrato.. Dahil lamang sa hindi kami nakasipot sa isang parangal na ginanap sa gym ay pinatawan na kami ng isang parusa.. Parusang maaari kaming bumagsak sa kanyang sabjek o maincomplete kaya na wala namang kinalaman. Hindi ibig sabihin na rektor sya ng aming unibersidad ay maaari na nyang gawin ang lahat ng naisin nya. Wala sa katwiran ang kanyang dahilan at ang opinyon nya lang ang tama. Wala tuloy kaming ibang magawa kundi ang magmakaawa sa kanya at sumunod sa kagustuhan nya. Isa pa ay hindi nya kami pinapapasok sa klase nya. Halos mangiyak-ngiyak na kami at awang-awa sa aming sarili pagkat nasa panig nya ang halos lahat ng guro habang ang mga pinunong estudyante ay nag-aalay ng simpatya subalit natatakot din. Alam kong may kasalanan din kami subalit hindi tama ang kanyang paraan at pakikitungo sa estudyanteng katulad namin. Ang nangyari'y para kaming aso na may tali sa leeg kung saan hawak naman nya sa kabilang dulo.. Marami pa syang ibang kababalaghang aktibidad na mula noon magpasahanggang-ngayon ay patuloy pa ring nagaganap. Ang tangi nyang sandata ay ang mapagpanggap na katauhan sa likod ng maskara. Naayos naman subalit ang naiwang peklat sa aming isipan ay patuloy na magpapaalala sa lahat ng kanyang kabuktutan.

Tuesday, January 26

Reaksyon Sa Aking Nabasa6...

Hilig sa Pagbabasa
p.38 (P.B.)

Ang pagkahilig sa pagbabasa ay isang magandang libangan at kapaki-pakinabang na gawain. Sa pagbabasa ay para ka na ring naglakbay sa lugar na di pa napupuntahan, naranasan ang kaganapan na nangyari at naramdaman ang pakiramdam ng mga pangunahing karakter (hindi lang sila kundi pati na rin ang kontrabida) kung ito'y isang kwento. Maraming iba't-ibang uri ng babasahin katulad na lamang ng kathang kwento, di-kathang kwento at mga teknikal na libro. Depende kung san ka nahilig at nakasanayang kategorya. Sapagkat sa munting pagbabasa ay marami kang malalaman at mapupulot na aral. Ang pagbabasa ay may di maganda ring dulot kung ang babasahin ay di-angkop at walang saysay sa atin. Maaari lamang lasunin nito ang ating isipan at makagawa ng di kanais-nais na bagay. Walang masama sa pagiging mausisa at curious sa ibang bagay basta't alam mo ang limitasyon at hangganan mo. Sa pagbabasa, matutong analisahin at unawain ang mga nakasulat bago tuluyang maniwala at tanggapin ito bilang totoo. Sapagkat kung magkagayon, ay para ka na ring tanga na naniwala sa sabi-sabi. Matutong magsaliksik at magtanong sa mga mapagkakatiwalaang tao.

Reaksyon Sa Aking Nabasa5...

Ethical Philosophy of Rizal
p.65 (of S.A. book)

I agree in Jose Rizal's advice. We should love and respect our parents as it is written in the Bible, and take the Sacrament of Marriage with truth. But I noticed as time passed by, youth of today tend to disobey their parents and treat them as mere individuals. We talk to them with disrespectful tone and ignore them when we are tired. Besides, those who live in and set aside the marriage is one of the trends today as technology advances. Although others took the Sacrament of Marriage but in the end, they decided to divorce because of some problems encountered and misunderstandings along the way. It seemed as if they took it as a game. Of course, we as human are different individuals. We cannot order someone to do what we think is right. Let them discover it by themselves through observation. They will realize it when situation demands and when things go wrong.