p.192 (P.B)
Sang-ayong ako sa mga pahayag ni Blumentritt tungkol sa mga ilang historyador ng kani-kanilang bansa o ng buong mundo. Sinabi nya na maling ihambing (suriin) ang nakaraan sa pamantayan ng kasalukuyan at ang di-makatwirang pagtuligsa sa Simbahan (relihiyon) dahil sa ilang alagad nito na mapagsamantala. Mali nga namang punahin ang ginawa ng isang tao buhat sa nakaraan at ihambing sa kasalukuyan... Muli, sinasabi kong nakabatay ang kanilang gawi at kilos sa pangyayaring nagaganap at panahong naroroon sila. Isa pa, may dahilan na sila lamang ang nakakaalam kung bakit nila ginawa ang mga bagay na sa tingin ng ilan sa ngayon ay sadyang mali at imoral. Subalit hindi ako sang-ayon sa pahayag ni Blumentritt patungkol kay Rizal. Ninais lamang ni Rizal sa kanyang mga kababayan na malaman, pakasuriin at pag-aralan ang nagdaan mula noong simula't-simula pa lamang bago bigyan ng larawan (o ipagpalagay na bigla na lang naandyan o nadatnan sa ganoong kalagayan ang Pilipinas). Sa ganitong paraan ay mas mahuhusgahan ng tama ang kasalukuyan at mas masusuri ng ayos ang nilandas na tatlong siglong lumipas. Hindi nya sinuri ang nakaraan sa pamantayan ng kasalukuyan na kontra sa tinuran ni Blumentritt. Sa halip ay nais nya lamang iparating sa mga Pilipino ang kahalagahan ng nakaraan upang gawing batayan sa paghahanda para sa kasalukuyan at hinaharap. Ngunit may punto si Ginoong Blumentritt sa ikalawa niyang pahayag tungkol kay Rizal sapagkat tila nilahat ni Rizal at tinuring na masama (mali) ang Katolisismo dahil sa pang-aabuso ng prayle sa Pilipinas na ginagawang panangga ang aral at turo nito.
1. Sang-ayon
2. a. Sa mga pahayag ni Blumentritt sa ilang historyador ngunit hindi kay Rizal para sa una dahil pareho silang nagkulang at pinangunahan ng sidhi ang damdamin.
b. Sapagkat may katuturan ang mga iyon (pahayag ni Blumentritt) at tunay na totoo sa kasalukuyan at sa mga darating na panahon at araw.
1. Sang-ayon
2. a. Sa mga pahayag ni Blumentritt sa ilang historyador ngunit hindi kay Rizal para sa una dahil pareho silang nagkulang at pinangunahan ng sidhi ang damdamin.
b. Sapagkat may katuturan ang mga iyon (pahayag ni Blumentritt) at tunay na totoo sa kasalukuyan at sa mga darating na panahon at araw.
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.