Pag-aaral sa Wika
p.284 (P.B.)
Ang pagiging linggwista ay isang katangi-tangi at kabilib-bilib sa akin sapagkat sa dami ba naman ng lenggwaheng nalalaman hindi kaya magkahalo-halo ang mga iyon, magkagulo-gulo o baka makalimutan. Ayon sa libro na isinulat ng mga Zaide, 22 ang wikang alam ni Rizal at kabilang na dito ang mga bansang napuntahan o pinupuntahan nya. May dahilan kaya pinag-aaralan niya ang wika ng mga bansa, at isa na rito ay ang nais na paglaya ng Pilipinas sa Espanya gamit ang mga ito bilang sandata. Isa pa, likas na matalino at natatangi si Jose Rizal. "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda"... Ang linyang ito na mula sa tulang "Sa Aking Mga Kabata" (na katulong sa pagsasaayos ang kanyang ina) ay naisulat niya noong sya'y walong-taong gulang palang at hindi pa ang kilala nating Rizal na binaril sa Bagumbayan (Luneta). Ang tao habang nabubuhay at lumalaki ay nagbabago ang pananaw at paniniwala. Kagaya nga ng sinabi ko, iba ang panahon noon kesa ngayon. Nagawa niyang magsulat, magsalita sa wikang iba (lalong-lalo na ng Espanyol) alang-alang sa kanyang bansa at para na rin maunawaan sya ng taong pinapatungkulan nya. Sapagkat kung wikang tagalog ang ginamit nya, sa tingin mo ba maiintindihan sya ng mga Espanyol at maisasagawa ang pagbabagong minimithi? Alalahanin na may dahilan ang lahat ng desisyon...
1. Depende
2. a. Sapagkat sa panahon ngayon ay hindi na kailangan na maraming wikang nalalaman at nawala na rin ang pagpapatupad ng pagsasalita ng wikang iba sa kolehiyo.
b. Nakasalalay ito sa kakayahan, kagustuhan at dahilan ng bawat tao..

Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.