Saturday, July 25

Check Your Flight Online!

 Grabe may ganito pala.

Nakita ko lang nung nag-share yung bayaw ko (brother-in-law) ng flight ni Kuya at Ate Cons.

Flightradar24 ay website kung saan pwedeng makita o ma-track ang status (kalagayan) ng lipad basta alam mo ang Flight Number.

Nakaka-amaze kasi araw-araw pala eh ang daming lumilipad na mga eroplano at nakakamangha rin na napaka-sistematiko ng mga lipad nila. Siguro dahil sa bukod na malawak ang kalangitan ay may radar silang sinusunod upang di magkasalubong at maging maayos ang bawat paglipad.

Hayan at may bago na naman akong natutunan at bibisitahin sa tuwing may flight ako o kahit sinumang mga kilala ko basta alam ko ang flight details kagaya ng flight number at anong airlines ang sasakyan o sinakyan nila.

Muli may ilalagay na naman ako sa bookmark websites ko para madali kong mahanap ang Flightradar24.

Happy blogging and reading!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!

Check Your Flight Online!

 Grabe may ganito pala. Nakita ko lang nung nag-share yung bayaw ko (brother-in-law) ng flight ni Kuya at Ate Cons. Flightradar24 ay websi...