Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, September 30

Kung Mataba Ako, Di Ako Magmo-motor

Bago ang lahat ay nais ko lamang na linawin na walang ibang layunin ang blog post na ito na i-discriminate ang mga matataba. Ang tanging dahilan kaya ko naisulat ito ay dahil lamang sa obserbasyon ko araw-araw. Halos lahat ng nakikita kong nagmo-motor ay yung matataba.

Anyway, kung tatanungin ako kung ano ang mas pipiliin ko bike o motor, bike ang pipiliin ko. Kapag kasi motor basta marunong ka lang mag-balance ay ayos na. Hindi katulad ng bike ay mapapraktis pa ang muscle ng iyong binti, pati na rin ang iyong tiyan. Isang magandang exercise din ang pagbibisikleta lalo na kung gagawin ito tuwing umaga. Sa lugar kasi sa amin ay may subdivision (condo), kung saan pwede kang makigamit upang mag-jogging at magbisikleta. Isa pang magandang benepisyo ng bike ay makakatulong pa tayong maalagaan ang ating ozone layer dahil ang mga usok na nagmumula sa motor ay isa sa mga dahilan ng pagkasira at pagnipis nito.

Anyway, bago ko tapusin ang entry na ito ay nais ko lang sabihin na ang lahat ng nabasa mo dito ay opinyon ko lang at hindi ko kine-claim na tama sapagkat nasa sa iyo pa rin kung anong pipiliin mo. We have our own free will and choice of action. Kung may hindi ka man nagustuhan at kung may nais kang sabihin tungkol sa karanasan mo sa paggamit ng motor, you are free to leave your opinion below. Let's have our exchange of opinions.

Maraming salamat sa iyong pagbabasa kaibigan.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!