Halimbawa na lang nito ay ang matindi kong pagnanais na palitan ang aking trabaho ng iba na mas mataas ang pasahod. Mayroon namang iba na magte-trenta na subalit single pa rin at naghihintay ng para sa kanya. Marahil ay nadala at lubos na nasaktan sa kanyang huling relasyon. At ang masaklap nito ay yun bang lahat nakaplano na (lupa, bahay at kasal) subalit ipinagpalit ka sa iba at binalewala ang lahat sa inyo. Ouch...
Ang buhay ay may simula at may katapusan. Parang isang pelikula na kung saan tayo mismo ang direktor. Nakasalalay sa atin kung ano ang nais nating maging kahihinatnan. Hindi man natin hawak ang lahat subalit binigyan tayo ni Lord ng sariling pag-iisip upang landasin ang daang ating tatahakin. Ang script ay gawa na at nasa pag-iingat ng ating Panginoon.
Pakiramdam ko, di ako nag-iisa. Sapagkat alam ko na saanmang parte ng mundo ay may isang nilalang na dumaraan sa sitwasyong kinalalagyan ko.
Sabi nga nila, try to think more positive than negative things. Because if you do, it will attract more good vibes into your life.
Kaya sayo ate, I hope mahanap mo na ang lalaking mamahalin ka ng tunay. Ipagdarasal ko yan sa Maykapal.
Isinulat ni Manlalakbay
(matapos matunghayan ang kasal ng kanyang kuya noong ika-12 ng Abril, taong 2012)
Free WEB Hosting!
Sang ayon ako sa sinabi mo about dito Jet!
ReplyDelete