Ang ganda ng Toy Story 3 although di ko nasimulan pero talagang napakaganda.. Kung dati nung pinapakita pa ang trailer nito eh napapangitan ako pero ngayong napanood ko na aba tila nagkamali ako ng akala.. Matagal na namin tong gustong panoorin subalit di mahanap ng papa ko sa net, salamat na lang sa katrabaho ko at dating kaklase dahil sa kanya nakahingi ako ng kopya.
Sa tingin ko may part 4 pa ito pero parang wala na rin.. kasi mukang tinapos na dun sa pagdodonate sa batang babae ng kanyang mga laruan (dahil college na si Andy).. Kung magkakaroon man ng part 4 eh mukang uulit lang ang kwento dahil nakapokus naman talaga sa mga bata na noo'y may panahon pang maglaro subalit habang lumalaki eh lumalawak na rin ang mundong kanilang ginagalawan.. Tapos na ang mga panahon ng pagiging bata at wala na ang pagkamahilig sa mga laruan..
Natutuwa ako dahil sa ganitong pelikulang pambata eh marami akong natututunan at sana gawan din nila ng part 2 ang A Bug's Life at iba pang Disney / Pixar movies.
^^,
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!