Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, July 28

Kung Anu-ano Lang...

Sa wakas ay ayos na ang aming computer
Hindi na ko magmumukang kawawa
Makakatipid na rin ako
Makakabawi sa mga nagdaang mga gastos

Ilang araw at linggo ding nagtiis
Hinintay pa na magkapera ang kuya ko
Di bale makakabawi din ako
Maghihintay hintay na lang kayo

Sa wakas ay makakapag advance study na din
Nahuhuli na kasi ako sa palagay ko
Maraming mga bagay pa ang dapat kong malaman
Pero kelangan ng kaunting pag-iingat

Pakakaingatan ko ang aming computer
Sa mga virus at pag-iinstall ng software
Pero tingin ko'y walang pahinga
Ang sarili sa pag-aaral

Panibagong Libangan

Ang sarap gumawa ng tula
Tapos gagawing kanta
Eto ngayon ang libangan ko
Musika ang aaralin ko

Ayokong masabing may kanta lang
At paulit ulit ang tunog
Kaya pag may libreng oras
Maghahanap ako sa net

Monday, July 14

Lasenggo

Eto na naman sila
Naririnig kong papalapit na
Ang lalakas ng mga tinig
Talagang dinig na dinig

Samot saring kwentuhan
Ang maririnig galing sa kanila
Kanya kanya ang bida
Pagbigyan mo na lang sya

Pagod at Puyat

Nanghihina na ang katawan ko
Inaantok na rin ako
Unti unti ng napapapikit
Ang mga matang kulang sa tulog

Dahil sineseryoso ko na
Ang nakuhang kurso
Pagod at puyat nga
Ang kalaban ko

Buhay Programmer/I.T.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng buhay I.T.
Dumaan ang 1st yr. at 2nd yr. pero parang ordinaryo lang
At ngayong sandali ko lang talaga naramdaman
Kung ano ba ang kursong kinuha ko

Ngayon pa lang kinakabahan na ako
Kung ano ba ang naghihintay na kapalaran ko
Sunod sunod ba naman ang major subjects
At sinamahan pa ng katakot takot na projects