Natuwa ako nung makahanap ako ng mas mabilis na serbisyo kagaya ng pag-adjust ng braces ko at pagpapagupit ng buhok buwan-buwan.
Mas nanaisin ko kasi ang mabilis na serbisyo dahil kung mabagal ay nasasayangan ako sa oras. Dati pag nagpapa-adjust ako ng braces ko, ubos ang isang araw ko sa pila at turn ko kaya nagpasya akong lumipat sa iba. Ganun din sa simpleng pagpapagupit ng buhok, madalas inaabot ng isang oras na dapat sana ay mas mababa sa bente o trenta minutos ang kinukunsumo (syempre hindi kasama dito ang paghihintay kasi ibang factor na yun).
Kaso nung nakaraang buwan na nagpagupit kami ng ate ko, wala pang 5 minutes eh natapos na sa kanya tapos isinunod agad ako na ganun din, tumagal lang ng limang minuto. Ni hindi man lang nag init ang mga puwet namin sa upuan habang ginugupitan. Di ko alam kung matutuwa ako kasi tapos agad pero ang resulta mukang minadali matapos lang. Sa totoo lang, di namin nagustuhan ng ate ko ang gupit namin.
Wala namang masama sa mabilis na serbisyo pero sana andun pa rin ang kalidad. Kaya naniniwala pa rin ako na mas okay pa rin ang balanse. Mabilis pero maayos ang pagkakagawa.
Ayun lang, naisipan ko lang magpost bago man lang matapos ang February.
Grabe no ang bilis ng araw, March na agad bukas, hehe.
Enjoy!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!