Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, July 2

Are You Planning for Your Big Day?

Are you planning for your big day, which is your wedding?

Are you also clueless on whom who will become part of your entourage? Then worry no more as I will share a site that talks about it.

I actually used it as my guide before when I was about to marry my fiancée (now, my wife).

I hope you find it useful. Have fun and enjoy your preparation! :)

 
Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, May 7

Halo-halo sa Razon, Masarap Nga Ba?

Matapos naming kumain sa North Park ay nagpasya kaming kumain ng dessert sa Razon. Sabi kasi nila ay masarap ang halo-halo doon kaya nagpunta kami para alamin at matikman ang lasa.

Dalawa ang options na pwede mong bilhin sa Razon. Isang tig-90 pesos at isang nasa around 120 pesos. Kalahati lang ata ang laman nung 90 pesos vs. dun sa 120 pesos.

Masarap ang halo-halo nila kasi yung yelong ginamit parang pino na kakaiba. Iba sya sa yelong ginagamit sa mga usual na halo-halo. Sabi ng tita Dohrs ko ay sabaw daw ng buko yun na pinatigas tapos ayun ang ginagawang yelo na ika-crash dito sa Razon. Mabibilang mo lang ang sahog ng halo-halo nila; bukod sa evaporated milk parang dalawang maliit na hiwa ng leche flan, dalawa o tatlong saba at kakaunting sago subalit masarap at malinamnam naman pag kinain mo na.

Ang isang pumukaw sakin eh nung tinuro ni tito Joel yung catchy line ng Razon na nakalagay sa dingding nila. Heto na ang picture na kinuhaaan ko sa cellphone ko. Let me know kung anong reaction mo after mong makita at mabasa. Enjoy! Life is short. :)




"madaming RAZON MAGING masaya"

Personal Blogs - Blog Top Sites

Monday, April 24

Register Your Sim Now

April 26 is getting closer and that is the last day to register your sim (be it Globe, Smart, Sun Cellular, Talk n' Text, Touch Mobile, Gomo or Dito).

It's a new law here in the Philippines that requires every cellphone users to register their number/s to prevent scamming and being scammed.

Register as early as possible and don't wait 'til the last day to do it. Possible inconveniences might occur and stress you along the way so do it now!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, March 12

Aral Aral Pag May Time

Ngayon ay araw ng Linggo at imbis na matulog at magpahinga ay nagpasya akong mag-aral.

Ako kasi ang klase ng tao na di napipirmi sa isang lugar na walang ginagawa. Gusto ko ay palaging may ginagawa at mas pipiliin ko ang kapaki-pakinabang na bagay.

Iniimprove ko ang skills at knowledge na meron ako. Hinahasa ko ang kakayahan at kaalaman ko tungkol sa Typescript. Matagal ko ng alam ang technology na ito dahil gamit gamit namin ito sa trabaho (past employers and present employer).

Ayun naisipan ko lang magsulat muli dito sa aking mumunting blog para naman magkabuhay. Sumusulat pa rin ako dito kahit na di naman talaga ako kumikita ng pera.

Pero alam ko kahit papaano ay may nakakarelate sa mga kwento ko. Magparamdam ka naman kaibigan sa pamamagitan ng pag iwan ng komento sa ibaba.

Maraming salamat. Typescript for the win!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Tuesday, February 28

Ang Mabilis na Serbisyo ay Di Sapat

Natuwa ako nung makahanap ako ng mas mabilis na serbisyo kagaya ng pag-adjust ng braces ko at pagpapagupit ng buhok buwan-buwan.

Mas nanaisin ko kasi ang mabilis na serbisyo dahil kung mabagal ay nasasayangan ako sa oras. Dati pag nagpapa-adjust ako ng braces ko, ubos ang isang araw ko sa pila at turn ko kaya nagpasya akong lumipat sa iba. Ganun din sa simpleng pagpapagupit ng buhok, madalas inaabot ng isang oras na dapat sana ay mas mababa sa bente o trenta minutos ang kinukunsumo (syempre hindi kasama dito ang paghihintay kasi ibang factor na yun).

Kaso nung nakaraang buwan na nagpagupit kami ng ate ko, wala pang 5 minutes eh natapos na sa kanya tapos isinunod agad ako na ganun din, tumagal lang ng limang minuto. Ni hindi man lang nag init ang mga puwet namin sa upuan habang ginugupitan. Di ko alam kung matutuwa ako kasi tapos agad pero ang resulta mukang minadali matapos lang. Sa totoo lang, di namin nagustuhan ng ate ko ang gupit namin.

Wala namang masama sa mabilis na serbisyo pero sana andun pa rin ang kalidad. Kaya naniniwala pa rin ako na mas okay pa rin ang balanse. Mabilis pero maayos ang pagkakagawa.

Ayun lang, naisipan ko lang magpost bago man lang matapos ang February.

Grabe no ang bilis ng araw, March na agad bukas, hehe.

Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Wednesday, February 22

Ano Ang Markdown?

According to Wikipedia, "Markdown is a lightweight markup language for creating formatted text using a plain-text editor."

Natuwa akong gamitin to lalo na nung nag eexplore ako sa GitHub. That time kasi may tinatapos akong test task para dun sa isang company na inaplayan ko.

Curious kasi akong gumawa ng short tutorial on how to install, deploy and use the game project I made. Ayun at napadpad ako sa website na ito: The Markdown Guide.

Grabe no ang dami na pala ngayong mga bagong bagay na matagal ng nag eexist. Hinihintay lang nila na matuklasan natin sila.

Kaya sa kapwa ko programmer o developer, magpatuloy ka lang sa pag eexplore at pagtuklas ng mga bagong technologies. May isa pa nga kong nagawa na ikinagulat ko. Pwede ka na palang magdeploy o publish ng gawa mo sa GitHub tapos malalaro mo na rin after sa online, pwede mo pang i-share sa iba. Galing no?!

Enjoy sa pagbabasa ng blog ko kaibigan.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Tuesday, January 17

Banat Lines ng Cornetto

Sana telepono nalang ako, para ako naman sagutin mo <3

Basketball player ka ba? Wanna go to the ball with me?

On a scale of 1 to 10, I'm a 9... and you're the 1 I need :>

Super hero ata ako... Kasi isang tawag mo lang, andiyan na ako! :3

Sana Science class na... Para you're in lab with me! ;)


Cornetto #Confessions (Cone-fess with Cornetto)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Bill Gates' Life Rules

I just wanna share this to you. I hope these life rules would make you think and realize what life is.

Rule 01: Life is not fair - get used to it!


Rule 02: The world won't care about your self-esteem. The world will expect you to accomplish something before you feel good about yourself.


Rule 03: If you think your teacher is tough, wait till you get a boss.



Personal Blogs - Blog Top Sites