Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, July 31

LinkedIn na ang In Ngayon sa Job Marketplace

Dati sa JobStreet at JobsDB sites ako naghahanap ng trabaho. Pero ngayon sa LinkedIn na. Naroroon pa nga na nakapagtry ding makapag Facebook Jobs kaso diniscontinue na agad nila.

Anyway, kung naghahanap ka ng way para magkaroon ng trabaho, maraming medium para makatagpo ka. Basa basa ka lang ng mga blogs at search search sa Google.

Basta proven na tong LinkedIn at siguradong mahahanap mo ang soulmate job mo. Magtiwala ka lang.

Heto pala ang old blogpost ko tungkol sa JobStreet kung saan ako nagmamass sending out ng resume ko noon.


Tara na't basahin. Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, July 16

GCash: The Best E-wallet Ko

Nasa digital world na nga tayo. Kung dati sa tuwing magbabayad tayo ng ating pinamili ay dalawa o tatlong options lang ang pwede nating gamitin: cash, credit card at debit card.

Ngayon hindi mo na kailangang magdala ng pera o cash sa tuwing aalis ka at pupunta ng mall. Pag may pinamili ka at magbabayad na, makikita mong may nakapaskil na GCash at PayMaya (Maya) sa tabi ng cashier.

Pati nga pagbabayad ng iba't-ibang klase ng bills ay pwede mo ng magawa using GCash. Ika nga e-wallet o electronic wallet. Dati-dati nagpupunta pa kami sa mga bayad centers para lang bayaran ang mga utility bills (even credit cards). Take note: kumakain pa yun ng oras at effort (at pwede ka pang mapagastos along the way).

Anyway, masaya ako at tinangkilik na ng mga Pilipino ang digital o electronic wallet. Kahit nga convenience stores at mga ordinaryong tindahan ay tumatanggap na rin ng online transfer at bayad. Kaya kung wala ka pang account at hindi mo pa nararanasan ang mga benepisyong dulot ng mga e-wallets na ito, simulan mo nang gumawa ng account (basta maging maingat lang at wag ishe-share yung pin, otp o magclick ng link sa email o text para iwas hack at spam).

Muli, GCash ang the best e-wallet ko at sakalam!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, July 10

Banat Lines ng Hello Chocolate

Smile ka naman diyaaan! BOOM! PERFECTION.

Magkakasakit ata ako kasi all I'm lacking is Vitamin U.

Nag pa blood test ako. Ayun nakita nila na ikaw ang type ko.

Walang sinabi ang dictionary. Ikaw lang kasi nakapagbigay ng meaning sa buhay ko.

Forget "friends forever" kasi malay mo tayo na later.

Floorwax ka ba? Crush kasi kita. Ay oops, nadulas ako.

What's your favorite country? Mine's UK. I like U, K?

Sige asarin mo ko. Kasi if revenge is sweet, ako pa kaya?!

May sakit ka ba? "Yakap-sule" at "Kiss-pirin" lang gamot diyan.

Earthquake ba yun? Cos when I saw you, I was shookt.

Pwede ka ba makasama sa gym? Para maging fit tayo together.

Dati gusto lang kita ma-meet. Ngayon, gusto na kitang makamit.

May mali ba sa akin? Hayaan mo na, may tama naman ako sa'yo.

Matalino ka ba? Explain mo nga itong feelings ko para sa'yo.

Do you have a name or can I call you mine?

You’re my dream. Please come true.

Your smile is literally the cutest thing I have ever seen in my life.

Kung ita-TAG kita sa puso ko, ila-LIKE mo kaya?

Para kang charger… kasi you fill up my emptiness.

Parang wala ako sa sarili ko. Siguro nasa iyo ako.

Need mo pa ba ang NOTIFICATION para ma-gets mo na LIKE kita?

You're approachable and dependable, at higit sa lahat, ikaw ay ang ultimate JOWAble.

Walang diet-diet kasi ngiti mo pa lang, busog na ako.

Okay lang kung mahilo ako kung siguradong sa'yo lang iikot ang mundo ko.

Sa liit ng kamay mo, paano mo nahawakan ang buong mundo ko?

Para kang Gravity... GRABEH TEH, attracted ako sa'yo.

Excited ako mag "wake up" kasi makikita ko agad ang mundo ko "ekaw pu" (ikaw po).

Ang hirap mag-isip ng pick up lines lalo na kung ikaw lang yung laman ng isip ko.

Kidlat ba yun o tayo lang 'yun?! May spark eh!

On a scale of 1-10, always remember, you're an 11.

Kung sa MRT nga nagkakasya ka pa, sa puso ko pa kaya?

Ok lang na araw-araw ang Undas. Kasi sa bawat araw, patay na patay ako sa'yo.

You're not just an ordinary bae. You're KAKAI-BAE.

Yung ngiti mo pa lang, na-rescue mo na ako... BAEyani ka!

Ang wish ko sa Pasko? Disyembre, ikaw!

Pag sinabi mo "Peace be with you", sasagot ako, "Pls be wid me".

Ayaw ko maging superman coz if I will be a superhero, I wanna be Yourman :)

Forget "How to be u?". The real question is - "How to be urs?"

Right angle, left angle... Basta anghel, maganda ang angle.

Kung ang battery may AA, ikaw naman ang BB ko.

Mas nakakabulag ka pa sa araw kasi nung dumaan ka, ikaw na lang ang nakita.

Nabibigatan ka ba sa kamay mo? Hawakan ko na lang para sa'yo.

Sira yata yung relo ko kasi humihinto ang oras 'pag magkasama tayo.

Ang favorite animal ko? COW. COW lang gusto ko.

Frontview, backview... wala nang mas gaganda pa sa Iloview.

Ikaw ba si Coco? Ang coco-mpleto ng buhay ko...

Gusto kong mag-aral ng Pharmacy. Pharmacy-guro kong maging akin ka.

Magugulatin ka ba? Kasi pag ginulat kita, shockin ka na!

You're my "shur na shur" in this world full of "char lang".

Takot ako sa multo, pero mas takot ako na mawala ka sa buhay ko.

Balak ko lang tumawid sa isip mo pero dumiretso ako sa puso mo.


#HelloChocolate
JACK 'n JILL (Choco-Coated Chocolate Filled Wafer Sandwich)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, July 9

NWOW Ebike Worth It ang Pagbili

Worth it talaga ang ibinayad namin na 56K noong 2020, kasagsagan ng COVID19, para bumili ng ebike (ERV S).

Di kami nagdalawang isip ng ate ko na bumili sa kabila ng napakataas na halaga nito.

Ayun nagagamit namin sa pamamalengke, pagbili ng pagkain ng mga alagang pusa at aso at pagpunta sa Lakefront tuwing Linggo ng umaga para mag badminton.

Never pa namin itong napalitan ng parts like baterya at kung anu-ano pa. Ang tanging bagay lang na nagawa namin dito ay napahanginan ang mga gulong sa vulcanizing shop at mag change oil na natutunan lang namin sa YouTube.

Maingat din kami sa pagcha-charge at iniiwasan namin na mag over charging. Isa kasi yun sa numero uno na nakakasira ng baterya.

Hindi namin ipinang nenegosyo ito at baka sitahin at hulihin kami. Binili namin ito for personal at family use (private).

By the way, sa Lower Bicutan branch Taguig kami bumili at ang name ng store nila ay TailG Marketing Electric Bicycle


Personal Blogs - Blog Top Sites