I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Wednesday, February 23
Recommended Tech YouTubers
Monday, February 21
Automatic Washing Machine
Nakakamangha at sobrang nakakabilib nitong Automatic Washing Machine simula ng binili namin ito sa Puregold, Lakefront taong mid 2019. Ang brand nito ay Hanabishi. Kagaya lang din ito ng regular washing machine with dryer subalit dito ay ihahanda at ise-setup mo lang ang lahat ng labahin mo, lalagyan ng detergent (powder or liquid), tapos iiwanan mo lang ng isang oras. Pagbalik mo ready to get at pwede ng isampay. Halos tuyo na ang mga nalabhan at pwede mo ng suotin makalipas ang 1 o 2 oras na nakasampay (depende rin sa panahon kung tag-araw o tag-ulan).
Sobrang nakatipid kami sapagkat dati ay nagbabayad pa kami sa maglalaba ng mga damit namin tuwing Linggo. Kaya nirerecommend ko rin sa inyo na kumuha at bumili na rin kayo. Though may kamahalan ang presyo nito na humigit kumulang 10,000 pesos. Pero worth it naman at malaking kaginhawaan at katipiran ang dulot nito sa amin. Parang rice cooker lang yan na ise-setup mo lang sa simula; lalagyan ng bigas, huhugasan, lalagyan uli ng eksaktong tubig, isasaksak sa kuryente, io-on then pagbalik mo may mainit na kanin ka na. Ang kagandahan pa ay halos wala pang gaanong tutong.
O sya napapahaba ang blogpost ko na ito. Maraming salamat sa pagbabasa kaibigan.
English post dapat eto at nakapagdraft na ko before. Kaya lang walang time maipost. Kaya eto na:
I can't help myself but staring at our almost 3-year old automatic washing machine. Up to now, I can't conceal the excitement whenever we use it. The wonders of technology is amazing! :)
Sunday, February 13
Kelan Pwedeng Magpa-Booster Shot?
Sa mga nalilito pa rin kung kelan pwedeng magpa-booster shot matapos ang 1st and 2nd dose nila, naririto ang ilang bagay na dapat mong malaman.
- Dapat lumipas na ang tatlong buwan matapos silang mabakunahan ng 2nd dose. At kabilang sa uri ng vaccine na pasok rito ay ang mga sumusunod:
• Astrazeneca
• Moderna
• Pfizer
• Sinovac
• Sputnik
- Habang dalawang buwan lang kung ikaw ay nabakunahan ng Janssen (Johnson & Johnson).
Kaya tara na't magpa-booster shot. Hindi lang ito para sa kapakanan mo kundi para sa ikabubuti ng mga taong nakapaligid sayo.
Mahal mo sila diba, kaya wag ng magpabukas-bukas pa. Hikayatin mo rin sila. =)
Saturday, February 12
Magkano Na Ba Ang Kinita Ko Sa Adsense?
Ang tagal tagal ko ng nagba-blog, year 2008 pa at nilagyan ko na rin ng Adsense, hanggang ngayon di pa rin nakakapag-cash out.
Naroroon na na-monetize din ang Youtube channel ko (kung san connected din ang Adsense ko) nung mga panahon na di pa naghihigpit sa qualifications si Youtube pero ngayon demonetized na sapagkat hindi enough ang subscribers and number of hours watch ko.
14 years na ang nakakalipas, 48 usd pa rin ang laman ng Adsense account ko. Hindi ko ma-encash dahil may minimum cashout na 100 usd.
Ang hirap pala kumita sa pagba-blog (sumulat ng article post/content) or pagva-vlog (paggawa ng video content sa Youtube) unless may big audience ka na at consistent ang pag-gather mo ng views or pageviews. Kaya kudos dun sa mga kumikita online kahit na minsan yung content nila non-sense na at puro lang patawa. Pero wala eh isa yun sa malakas at mabenta sa tao.
Hopefully in the future mag-surge itong views ko nang ma-reach ko na ang minimum cashout na 100 us dollars.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Tuesday, February 1
Is it Gong Xi Fa Cai or Kung Hei Fat Choi?
Grabe samo't saring newsfeed ang nakikita ko sa Facebook na nagpopost ng Gong Xi Fa Cai at Kung Hei Fat Choi. Subalit ano o alin nga ba sa dalawa ang tamang gamitin? Naalala ko kasi nung bata ako Kung Hei Fat Choi ang madalas kong marinig subalit ngayon may bago na which is etong Gong Xi Fa Cai. Medyo nakakalito kaya ating himay-himayin kung alin nga ba at ano ang kaibahan nila sa isa't isa.
Ang Gong Xi Fa Cai is a Mandarin phrase habang ang Kung Hei Fat Choi is a Cantonese phrase.
Alam naman natin na ang Mandarin ang official state language sa China at ito rin ang main dialect sa Taiwan and Singapore. 933 million ang Mandarin first-language speakers sa China at bumubuo ng 61.2% na katao sa China.
Samantalang ang Cantonese naman ay ang sinasalita sa Hong Kong, Macau at iba pang parte ng China. Tinatayang 84 million naman (as of 2020) ang native Cantonese speakers sa China at bumubuo ng 4.5% na katao sa China.
Ang dalawang phrases na ito ay parehas lang na common greeting during Chinese New Year. At ang ibig sabihin ay "Congratulations and prosperity to you!".
Actually, Xin Nian Kuai Le literally translates as "New Year Happiness" and means "Happy New Year" in Mandarin. Mas formal yan at karaniwang binibigkas sa ibang tao. Samantalang, Xin Nian Hao naman ang madalas sambitin sa mga kakilala, kaibigan at kapamilya.
Kung gusto mo lang bumati ng Happy Chinese New Year ay Xin Nian Kuai Le o Xin Nian Hao ang dapat gamitin. Mandarin phrase ito at mas marami ring gumagamit. Ibig ding sabihin mas maraming makakaintindi sa iyo.
Subalit kung gusto mo lang bumati ng Congratulations and prosperity to you! eh kahit alin sa dalawa ang iyong gamitin: Gong Xi Fa Cai man or Kung Hei Fat Choi. Iisa lang naman ang kahulugan nilang dalawa. Siguro gusto mo lang din sumabay sa uso kagaya ko. :D Biro lang. Pero sakin, Kung Hei Fat Choi talaga ang nakalakihan ko mula nung pagkabata. At sa aking pagsasaliksik, nakita ko na may film na naipalabas na pala noong 1985 ang Hong Kong na ang title Kung Hei Fat Choy. Kaya siguro mas sumikat na gamitin ang Kung Hei Fat Choi ay dahil na rin sa movie na iyon. Pero ngayon dahil sa internet at social media, napag alaman natin na may Gong Xi Fa Cai rin pala at ayaw pahuli.
Anyway, I hope nabigyang linaw ang pagkakaiba nilang dalawa. Maraming salamat sa pagbabasa, kaibigan. :)