Kung makakalima o maka-anim ka ay lagpas isang libo na ang nagastos mo. Iyon at iyon din naman ang mapapanood mo, inulit-ulit mo lang. Kung bibili ka rin naman ng original vcd or dvd kapag inilabas na sa mga record bar stores ay mainam na makuntento na lang sa isa o dalawang beses na panonood.
Maipapakita mo naman ang pagsuporta mo sa isang artista kahit isang beses ka lang nanood. Dapat maging conscious din tayo sa ating kinikita at maging matalino sa paggasta.
Tulad na lang namin na sa tuwing may pelikula si Sarah ay nanonood kaming buong pamilya. Kahit nga yun lang, solb na bukod pa yung ako lang mag-isa sa unang araw ng pagpapalabas nito sa sinehan.
Kung aking susumahin ay gumagastos ako ng di lalagpas ng 3,000 pesos sa lahat lahat. Sa susunod magiging matalino na ko sa paglabas ng pera sa lahat ng bagay.
Free WEB Hosting!
Ngayong 2022, ang mahal na ng ticket sa cinema. Halos mag 300 pesos na. Grabe no totoo pala ang inflation. Taon taon tumataas ang presyo ng bilihin o serbisyo. Kaya maging maingat sa paggastos at paggasta kaibigan. :)
ReplyDelete