Ako, sa tuwing maaamoy ko ito ay hindi ko maiwasang hindi huminto at langhapin ang amoy nito. Naaalala ko dati ang unang pagbili at pagtikim ko nito. Masarap sya kaya lang ang hindi ko lang nagustuhan ay pag kinakagat at nginunguya mo na ito. Ang kunat at kailangan ng ibayong pag-iingat lalo na tuwing nginunguya. Baka masira ang ngipin mo. Dalawang beses lang atang naulit ang pagkain ko nun dahil may nalaman ako.
Ayon sa bali-balita, ang Calamares daw ay may halong formalin/formaldehyde (a chemical used to preserve dead bodies) kung saan ay ginagamit din sa bangkay upang di agad maagnas/mangamoy. Though, bali-balita lang ay nagpasya akong di na kumain dahil mahirap na at para makaiwas na rin. Ginagamit nila ang formalin para di agad masira ang squid na inaangkat pa mula sa malalayong lugar at para na rin magmukhang fresh pa kapag piniprito.
Anyway, ayokong manira ng pagkain. Ang mga mababasa mo rito ay pawang mga opinyon ko lang at walang nagsasabing lahat ng nakasaad dito ay totoo. You are free to conduct your own research then create a counter-post to this. I have a link that expresses the same sentiment like mine. Here it is (link is not working anymore).
Maraming salamat sa iyong pagbabasa at sana'y nakapulot kayo ng aral.
Free WEB Hosting!
may formalin talaga yun hahaha.. sa tingin mo ba fresh pa ba yung mga pusit na yun... ang mga seafoods nabubulok agad pag di agad na iistore sa ref o freezer.. kaya nilalagyan yun ng formalin para di agad mabulok :)
ReplyDelete