Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, February 23

Panghihinayang at Lungkot

Kanina, nagising ako buhat sa aking mahimbing na pagkakatulog (sapagkat galing ako sa trabaho) at nagpasyang mag-internet. At habang ako'y abala sa pagfe-facebook, naisipan kong bisitahin ang profile page ng crush kong babae na kaklase ko nung college. Laking gulat ko ng makita ang kanyang pictures na sya'y nagdadalang tao.. Panghihinayang at lungkot ang nadama ko habang minamasdan ang mga nasabing larawan. Di ko inaasahan na ganoon ang mangyayari sa kanya.. Hinayang dahil nawala na ang chance ko na ipahayag ang nararamdaman ko sa kanya at lungkot dahil di ako ang lalaking nakatuluyan nya..

Kung sa bagay di na naman kami mga bata at nasa hustong edad na kami. Ako 24 at sya nasa 22-23. Ang naalarma lang ako eh yung napapadalas ang pagbubuntis ng di pa kasal.. Mukang iilan na lamang ang nauuna ang kasal kesa pagbubuntis.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito, wala akong karapatan na kwestyunin ang kanyang naging desisyon at aksyon. Buhay nya yun at mukang masaya sya sa kung anumang buhay mayroon sya.

Di ko alam pero parang ganito ang naging sitwasyon ko: bigo sa una, bigo rin sa ikalawa (naunahan ako at ngayon commited na).


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!