Ang pag-inom ng tsaa ay isang bagay na nakasanayan ko na mula nung hayskul pa ko. Sa dahilang mabuti ito sa katawan at tradisyon na rin ng mga tao sa Asya.. Ngunit namimili lang ako ng iinuming tsaa sapagkat merong matatapang at kumukulay sa puting tasa... Kung kumukulay sa puting tasa malamang kumulay din ito sa ngipin.. Kaya minabuti ko na limitahan at piliin ang tsaang iinumin at ito nga ay ang "green tea". Sinasanay ko na ang aking sarili sapagkat dati ay napapaitan ako sa lasa nito ngunit lumipas ba naman ang ilang taon siguradong masasanay ka rin sa pait na dulot nito.. Kagaya din yan ng buhay, kung puro sarap at ligaya lang ang hanap mo maaaring mauwi sa hantungan ang lahat subalit kung matitiis natin ang hapdi at pait na ibinibigay nito asahan mong sa bandang huli ay may makakamtang ginhawa at ligaya..
Free WEB Hosting!