Si Rizal Bilang Mason
p.81 (P.B.)
Sang-ayon ako sa pagiging mason ni Jose Rizal sapagkat kailangan ng kanyang bansa at hinihingi ng panahon. Isa ito sa mga paraan para malabanan niya, sa tulong ng mga kasamahang mason sa Espanya, ang maling pamamalakad at pang-aabuso ng mga prayle sa Pilipinas kung saan ginagamit nilang panangga at kalasag ang Katolisismo. Lalo nilang pinapasama at binibigyang kahulugan kung ano ang nakasulat sa Bibliya na kanilang pinapatupad sa bansang Pilipinas. Maganda sana ang turo ng Simbahang Katoliko subalit ang ilan doon ay pawang mali kung aanalisahin. Kagaya na lamang na "Huwag kayong mag-ipon ng kayaman sa lupa sapagkat hindi ninyo yan madadala sa kalangitan" at ang "Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom o sa kaharian ng Diyos kaysa sa mga mayayaman". Sa madaling sabi kung gagawin natin ito sa kasalukuyang panahon ay marahil lahat tayo ay nangamatay na at wala ng magsisikap sa mundo. Atin ng aminin na ang kayaman ay tunay na kailangan ng tao, bagamat dapat ay gamitin sa kabutihan, upang tayo'y mabuhay ng payapa at maligaya. Saan ka nakakita ng taong hindi nagsisikap ngunit buhay? (labas dito ang pamimilosopo) Nagtatrabaho sila upang makapag-ipon nang may maipambili ng kanilang makakain. Isa pa, sa ganang akin tingin ko, mabuti na rin siguro na may isa tayong tinitingala o pinaniniwalaan (iba't-ibang relihiyon man) dahil napapatino nito ang tao at nagbibigay sa atin ng kaayusan at katahimikan. Sapagkat kung wala nito ay nakikini-kinita ko na ang maaaring kalabasan: sagana sa pag-aaway, kaguluhan at kamatayan.
1. Sang-ayon
2. a. Sapagkat nakadepende ang paggawa ng desisyon sa kapaligiran at karanasang meron ka.
b. Huwag muna nating husgahan ang isang tao base sa kanyang gawa pagkat hindi natin alam kung ano ang nagbunsod sa kanya kung bakit niya ginawa iyon.

Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.