Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, January 23

Naobserba...

Nais ko lamang ibahagi ang isang bagay na aking naobserba bago pumasok sa paaralan.. Ang naobserbahang ito ay lalong nagpamulat sa aking saradong isipan at nagpahayag ng kakaibang damdamin sa akin..

Sisimulan ko muna sa pangugusap na ito..

Naaawa ako sa mga taong pinagsasamantalahan ng malalaki.. Katulad na lang nitong sabadong dumaan bago pumasok sa eskwelahan.. May nakita akong isang lalaking nagtitinda ng kariton ng saging at nang may dumaan na truck ng MMDA ay tila walang awang pinagkukuha ang kanyang buong paninda kasama na ang ilang paninda kagaya ng uling.. Kinukuha nila ito sa dahilang meron sila.. Kagaya ng nakaharang sila sa daanan ng tao at sumusunod lang sila sa ipinag-uutos sa kanila.. Subalit pwede naman atang pakiusapan sapagkat mga tao din silang gustong mabuhay sa mundong ating ginagalawan.. Subalit naiisip ko ng isasagot nila ay baka masanay ang mga iyan pag pinabayaan.. Nabanggit ng aking kaklase na sa tingin ko ay may punto na imbis na kunin ang buong paninda bakit di pagmultahin na lang.. Isang magandang paraan para madala sapagkat mababawasan lang ang kanilang kikitain kapag sila'y nahuli.. Dahil kung patuloy pa rin ang kanilang paraan ng pagpigil at pagsasaayos ng Maynila ay baka dumating ang araw na ang mga taong ito na nagsisikap na mabuhay at kumita ay maging isa sa mga latak at tulisan ng bansa.. Bakit? dahil kahit ang kanilang simpleng pamumuhay ay inaabuso at pinagsasamantalahan ng mga malalaki na mas masahol pa nga sa mga ito kung tutuusin.. Nabanggit din ng drayber ng sinasakyan kong tri-cycle na ubos ang kanilang puhunan.. Nakakaawa naman sila dahil kung tayo ngang may pinag-aralan hirap sa paghanap ng trabaho sila pa kayang mga hindi.. Tulungan natin sila at wag sabihing sa isip (kung sakaling may mamamalimos sa atin) na magtrabaho kayo.. Madaling sabihin ang ganitong mga salita dahil hindi natin mismong danas ang kanilang pamumuhay at sitwasyon.. Di ba ikaw na may matinong pag-iisip nahihirapang humanap ng trabaho, isipin mo pano pa kaya sila? Maging resonable sa mga iisipin at sasabihin bago husgahan ang kanilang pagkatao at kakayahan..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!