Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, January 11

Reaksyon Sa Aking Nabasa2...

Reaksyon sa “Mga Karanasan Sa Hong Kong” p.154 (P.B.)

Masaya ang makihalubilo sa ibang tao na kakakilala pa lang. Lalo na kapag iba ang kanilang lugar na kinalakhan. Ang kanilang kultura, tradisyon at paraan ng pamumuhay ay di-nahahawig sa kung anong meron tayo. Kung nais nating maunawaan ang kanilang pamumuhay ay kailangang pag-aralan ang kanilang wika. Pangarap kong makapunta sa mga karatig bansa sa Timog at Silangang Asya. Ang isa sa mga layunin ko ay makapangasawa ng lahi na mula sa Tsina, Korea o Taiwan sa dahilang akin na lamang. Alam natin na ang Hong Kong ay tinuturing na probinsya ng Tsina kaya di nalalayo ang kanilang pagkakapareha. Napapanood ko rin sa telebisyon kung anong kaugalian meron sila at talagang napapahanga na lang ako. Kahit san ka mang lugar naroroon ay may mapupulot kang karanasan na maaari mong unawain, pag-aralan at pahalagahan. Maging sa iba’t-ibang lalawigan sa Pilipinas, bagama’t dayalekto at hindi wika ang tawag, ay may mahihinuhang iba’t-ibang aral at karanasan buhat sa kanila. Kailangan lang na marunong tayong makisama lalo’t dayo tayo sa kanilang lupain, gayon din naman kung sila naman ang dayo sa sariling atin.

1. Sang-ayon ako dito.
2. A. Sapagkat ang pananatili sa isang lugar ay lalong magpapanot sa kaalamang meron ka
B. Sapagkat ang daigdig natin ay patuloy sa prosesong pagbabago at iyan ang hayagang katotohanan

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

2 comments:

  1. Ibibigay mo na lang ba yung link kay sir? :D

    -ganda.

    ReplyDelete
  2. ahaha! wala lang gusto ko lang i-post yung mga sinulat ko sayang kasi.. :P

    ReplyDelete

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!