Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, January 31

Reaksyon Sa Aking Nabasa7...

Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Espanyol
p.59 (P.B.)

Naranasan ko na rin ang maging biktima ng pang-aabuso. Tatlo kaming nakadanas ng kawalang-katarungang pagtrato.. Dahil lamang sa hindi kami nakasipot sa isang parangal na ginanap sa gym ay pinatawan na kami ng isang parusa.. Parusang maaari kaming bumagsak sa kanyang sabjek o maincomplete kaya na wala namang kinalaman. Hindi ibig sabihin na rektor sya ng aming unibersidad ay maaari na nyang gawin ang lahat ng naisin nya. Wala sa katwiran ang kanyang dahilan at ang opinyon nya lang ang tama. Wala tuloy kaming ibang magawa kundi ang magmakaawa sa kanya at sumunod sa kagustuhan nya. Isa pa ay hindi nya kami pinapapasok sa klase nya. Halos mangiyak-ngiyak na kami at awang-awa sa aming sarili pagkat nasa panig nya ang halos lahat ng guro habang ang mga pinunong estudyante ay nag-aalay ng simpatya subalit natatakot din. Alam kong may kasalanan din kami subalit hindi tama ang kanyang paraan at pakikitungo sa estudyanteng katulad namin. Ang nangyari'y para kaming aso na may tali sa leeg kung saan hawak naman nya sa kabilang dulo.. Marami pa syang ibang kababalaghang aktibidad na mula noon magpasahanggang-ngayon ay patuloy pa ring nagaganap. Ang tangi nyang sandata ay ang mapagpanggap na katauhan sa likod ng maskara. Naayos naman subalit ang naiwang peklat sa aming isipan ay patuloy na magpapaalala sa lahat ng kanyang kabuktutan.

Tuesday, January 26

Reaksyon Sa Aking Nabasa6...

Hilig sa Pagbabasa
p.38 (P.B.)

Ang pagkahilig sa pagbabasa ay isang magandang libangan at kapaki-pakinabang na gawain. Sa pagbabasa ay para ka na ring naglakbay sa lugar na di pa napupuntahan, naranasan ang kaganapan na nangyari at naramdaman ang pakiramdam ng mga pangunahing karakter (hindi lang sila kundi pati na rin ang kontrabida) kung ito'y isang kwento. Maraming iba't-ibang uri ng babasahin katulad na lamang ng kathang kwento, di-kathang kwento at mga teknikal na libro. Depende kung san ka nahilig at nakasanayang kategorya. Sapagkat sa munting pagbabasa ay marami kang malalaman at mapupulot na aral. Ang pagbabasa ay may di maganda ring dulot kung ang babasahin ay di-angkop at walang saysay sa atin. Maaari lamang lasunin nito ang ating isipan at makagawa ng di kanais-nais na bagay. Walang masama sa pagiging mausisa at curious sa ibang bagay basta't alam mo ang limitasyon at hangganan mo. Sa pagbabasa, matutong analisahin at unawain ang mga nakasulat bago tuluyang maniwala at tanggapin ito bilang totoo. Sapagkat kung magkagayon, ay para ka na ring tanga na naniwala sa sabi-sabi. Matutong magsaliksik at magtanong sa mga mapagkakatiwalaang tao.

Reaksyon Sa Aking Nabasa5...

Ethical Philosophy of Rizal
p.65 (of S.A. book)

I agree in Jose Rizal's advice. We should love and respect our parents as it is written in the Bible, and take the Sacrament of Marriage with truth. But I noticed as time passed by, youth of today tend to disobey their parents and treat them as mere individuals. We talk to them with disrespectful tone and ignore them when we are tired. Besides, those who live in and set aside the marriage is one of the trends today as technology advances. Although others took the Sacrament of Marriage but in the end, they decided to divorce because of some problems encountered and misunderstandings along the way. It seemed as if they took it as a game. Of course, we as human are different individuals. We cannot order someone to do what we think is right. Let them discover it by themselves through observation. They will realize it when situation demands and when things go wrong.

Reaksyon Sa Aking Nabasa4...

Si Rizal Bilang Mason
p.81 (P.B.)

Sang-ayon ako sa pagiging mason ni Jose Rizal sapagkat kailangan ng kanyang bansa at hinihingi ng panahon. Isa ito sa mga paraan para malabanan niya, sa tulong ng mga kasamahang mason sa Espanya, ang maling pamamalakad at pang-aabuso ng mga prayle sa Pilipinas kung saan ginagamit nilang panangga at kalasag ang Katolisismo. Lalo nilang pinapasama at binibigyang kahulugan kung ano ang nakasulat sa Bibliya na kanilang pinapatupad sa bansang Pilipinas. Maganda sana ang turo ng Simbahang Katoliko subalit ang ilan doon ay pawang mali kung aanalisahin. Kagaya na lamang na "Huwag kayong mag-ipon ng kayaman sa lupa sapagkat hindi ninyo yan madadala sa kalangitan" at ang "Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom o sa kaharian ng Diyos kaysa sa mga mayayaman". Sa madaling sabi kung gagawin natin ito sa kasalukuyang panahon ay marahil lahat tayo ay nangamatay na at wala ng magsisikap sa mundo. Atin ng aminin na ang kayaman ay tunay na kailangan ng tao, bagamat dapat ay gamitin sa kabutihan, upang tayo'y mabuhay ng payapa at maligaya. Saan ka nakakita ng taong hindi nagsisikap ngunit buhay? (labas dito ang pamimilosopo) Nagtatrabaho sila upang makapag-ipon nang may maipambili ng kanilang makakain. Isa pa, sa ganang akin tingin ko, mabuti na rin siguro na may isa tayong tinitingala o pinaniniwalaan (iba't-ibang relihiyon man) dahil napapatino nito ang tao at nagbibigay sa atin ng kaayusan at katahimikan. Sapagkat kung wala nito ay nakikini-kinita ko na ang maaaring kalabasan: sagana sa pag-aaway, kaguluhan at kamatayan.

Reaksyon Sa Aking Nabasa3...

Ang Unang Guro ng Bayani
p.25 (P.B.)

Naniniwala ako na ang magulang ang unang guro natin o ng bawat bata sa mundo. Sa kanila natin natututunan ang mga kabutihang asal at magagandang pag-uugali. Sa kanila rin natin unang nalalaman ang mga hilig natin sa mga bagay-bagay at nahahasa ng maaga ang mga talentong meron tayo. Pinangangaralan nila tayo sa dapat nating gawin at itinatama ang mali nating gawi. Dahil walang ibang hangad ang magulang kundi ang kabutihan ng kanilang anak. Kung minsan ay ipinagkakatiwala ng magulang ang kanilang anak sa personal na kakilala upang syang magturo ng mga bagay na sa tingin nila ay kailangan. At kung nasa tamang gulang na ay kanilang ipinapadala ang anak sa isang pormal na paaralan bilang kanilang responsibilidad. Oo nga't ang mga guro na tumatayong pangalawang magulang ay maituturing ding taga-panday ng isipan ng mag-aaral subalit iba pa rin ang alaga, kalinga at mga turo ng isang magulang.

Saturday, January 23

Naobserba...

Nais ko lamang ibahagi ang isang bagay na aking naobserba bago pumasok sa paaralan.. Ang naobserbahang ito ay lalong nagpamulat sa aking saradong isipan at nagpahayag ng kakaibang damdamin sa akin..

Sisimulan ko muna sa pangugusap na ito..

Monday, January 11

Reaksyon Sa Aking Nabasa2...

Reaksyon sa “Mga Karanasan Sa Hong Kong” p.154 (P.B.)

Masaya ang makihalubilo sa ibang tao na kakakilala pa lang. Lalo na kapag iba ang kanilang lugar na kinalakhan. Ang kanilang kultura, tradisyon at paraan ng pamumuhay ay di-nahahawig sa kung anong meron tayo. Kung nais nating maunawaan ang kanilang pamumuhay ay kailangang pag-aralan ang kanilang wika. Pangarap kong makapunta sa mga karatig bansa sa Timog at Silangang Asya. Ang isa sa mga layunin ko ay makapangasawa ng lahi na mula sa Tsina, Korea o Taiwan sa dahilang akin na lamang. Alam natin na ang Hong Kong ay tinuturing na probinsya ng Tsina kaya di nalalayo ang kanilang pagkakapareha. Napapanood ko rin sa telebisyon kung anong kaugalian meron sila at talagang napapahanga na lang ako. Kahit san ka mang lugar naroroon ay may mapupulot kang karanasan na maaari mong unawain, pag-aralan at pahalagahan. Maging sa iba’t-ibang lalawigan sa Pilipinas, bagama’t dayalekto at hindi wika ang tawag, ay may mahihinuhang iba’t-ibang aral at karanasan buhat sa kanila. Kailangan lang na marunong tayong makisama lalo’t dayo tayo sa kanilang lupain, gayon din naman kung sila naman ang dayo sa sariling atin.

Monday, January 4

Reaksyon Sa Aking Nabasa...

Reaksyon sa “Kaguluhang Gawa ng Noli” p. 140 (P.B.)

Tunay ngang palaging may dalang kaakibat ang pagbubunyag ng katotohanan. Sa mundong ito na manhid na sa kapalaluan at panlalamang sa kapwa ay ganoon na lamang ang reaksyon ng tinatamaan kapag ang maling gawi nilaý napupuna. Mas madali ang pumanig sa kamalian subalit katapangan naman ang sa katwiran. Ang tao ay kagaya ng isang sanggol na hanggang sa ngayon ay sunud-sunuran sa mga dalang aral ng bansang Espanya. Hindi masama ang magtanong at mangatwiran kung ang nakikitaý lumalabag na sa pagiging tao o wala na sa katinuan ang nakasanayang gawain. Hindi din masamang magdilat ng mata at magbukas ng isipan mula sa pagkamangmang (pagkaalipin) natin at ang katotohanan at ang katwiran ang masusunod. Ang mga taoý mapapaniwalain at natatakot sa aral na kanilang naririnig. Dapat ay unawain at timbangin muna ang mga ito at hayaang ang diwa ang mamayani o ang tinig ng budhi. Sa halip ay bigyang buhay ang sarili at kung paano makakatulong sa kapwa at sa bayan. Linangin natin ang ating sarili at kaisipang taglay natin at h’wag papigil sa maling pangaral. Sa huli kahit anong pagbabawal ng isang bagay na nasa panig ng katotohanan ay pilit na mauungkat at mahahayag sa tao.

1. Sang-ayon ako dito.
2. A. Sapagkat sawang-sawa na ko sa sakit ng lipunan
B. At kahit papaanoý may iilang sumubok na makiisa sa katotohanan

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!