Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Friday, February 19

Reaksyon Sa Aking Nabasa10...

Ang Pagkamartir sa Bagumbayan
p. 324 (P.B.)

Lahat talaga may hangganan at ito ang bagay na dapat nating tanggapin ngayon pa lang subalit mahirap na kapag naroroon ka na sa sandaling iyon. Ngunit iba ang pananaw ni Dr. Jose Rizal na kahit na hayag na sa kanya ang kanyang kahuli-hulihang sandali ay di mababawasan ang pagkalungkot o pagkatakot. Sa halip ay malugod pa n'yang tinanggap at inasikaso ang kanyang mga bisita upang masilayan sya sa kanyang huling sandali dito sa mundong ibabaw. Ayon sa kanya kung talagang kinailangan ka ng iyong bayan at ito na lang marahil ang tanging paraan (para sa ikabubuti nito) ay maluwag nyang iaalay ang kanyang sarili. May dahilan sya na ang taong maiiwan lang ang makakaunawa.. Maaaring magising sila sa matagal na nilang pagkakahimlay sa takot at pagkabahag ng buntot.. Maaari ding alam na nya ang nagawa na nya (ang lahat ng bagay) at handa ng ibigay ang kanyang buhay para sa bayan. Sana pagdating ng araw ay magaya o maging ganito rin ang tunguhin ko sa sandaling magparamdam na si kamatayan... Hindi lang sa aking sariling buhay kundi sa lahat ng mahahalagang tao sa akin.

1. Sang-ayon
2. a. Sapagkat kung hindi siguro nangyari ito malamang ay sakop pa rin tayo ng ibang bansa at hindi malaya.
b. ..sa positibo at buong pagtanggap sa kanyang nalalabing buhay...

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.