Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, February 28

Ang Mabilis na Serbisyo ay Di Sapat

Natuwa ako nung makahanap ako ng mas mabilis na serbisyo kagaya ng pag-adjust ng braces ko at pagpapagupit ng buhok buwan-buwan.

Mas nanaisin ko kasi ang mabilis na serbisyo dahil kung mabagal ay nasasayangan ako sa oras. Dati pag nagpapa-adjust ako ng braces ko, ubos ang isang araw ko sa pila at turn ko kaya nagpasya akong lumipat sa iba. Ganun din sa simpleng pagpapagupit ng buhok, madalas inaabot ng isang oras na dapat sana ay mas mababa sa bente o trenta minutos ang kinukunsumo (syempre hindi kasama dito ang paghihintay kasi ibang factor na yun).

Kaso nung nakaraang buwan na nagpagupit kami ng ate ko, wala pang 5 minutes eh natapos na sa kanya tapos isinunod agad ako na ganun din, tumagal lang ng limang minuto. Ni hindi man lang nag init ang mga puwet namin sa upuan habang ginugupitan. Di ko alam kung matutuwa ako kasi tapos agad pero ang resulta mukang minadali matapos lang. Sa totoo lang, di namin nagustuhan ng ate ko ang gupit namin.

Wala namang masama sa mabilis na serbisyo pero sana andun pa rin ang kalidad. Kaya naniniwala pa rin ako na mas okay pa rin ang balanse. Mabilis pero maayos ang pagkakagawa.

Ayun lang, naisipan ko lang magpost bago man lang matapos ang February.

Grabe no ang bilis ng araw, March na agad bukas, hehe.

Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Wednesday, February 22

Ano Ang Markdown?

According to Wikipedia, "Markdown is a lightweight markup language for creating formatted text using a plain-text editor."

Natuwa akong gamitin to lalo na nung nag eexplore ako sa GitHub. That time kasi may tinatapos akong test task para dun sa isang company na inaplayan ko.

Curious kasi akong gumawa ng short tutorial on how to install, deploy and use the game project I made. Ayun at napadpad ako sa website na ito: The Markdown Guide.

Grabe no ang dami na pala ngayong mga bagong bagay na matagal ng nag eexist. Hinihintay lang nila na matuklasan natin sila.

Kaya sa kapwa ko programmer o developer, magpatuloy ka lang sa pag eexplore at pagtuklas ng mga bagong technologies. May isa pa nga kong nagawa na ikinagulat ko. Pwede ka na palang magdeploy o publish ng gawa mo sa GitHub tapos malalaro mo na rin after sa online, pwede mo pang i-share sa iba. Galing no?!

Enjoy sa pagbabasa ng blog ko kaibigan.

Personal Blogs - Blog Top Sites