Sa darating na December ngayong taong ito (2021) ay nakatakda ang pagpapalit uli namin ng kapatid ko ng aming cellphone. Bibili uli kami ng new cellphone sapagkat nakadalawang taon na mula ng nabili namin ang aming gamit na telepono. Ang aming pinaglumaang cellphone ay ibinibigay ko kay ate Erika, at si Joy kay Ricky.
May lifespan ang mga gamit na ating binibili, gamitin man natin o hindi. Kaya mas mainam na masira ang isang gamit o gadget ng ginagamit at ilang beses nang napakinabangan kesa magulat ka na lang mga isang araw, nung gagamitin mo na ay ayaw ng gumana o mag-on.
Ang katwiran ng iba tungkol sa desisyon ko na tuwing ikalawang taon ng Disyembre ay bibili ng bagong cellphone at papalitan na ang gumagana at ayos pang telepono ay sayang naman daw at gastos lang. Oo may punto sila pero iba-iba naman kasi ang paniniwala at mga naisin natin sa buhay. Kung may pambili ka at may ipon ka naman, go ahead. May makikinabang naman ng pinaglumaan ko. Enjoyin mo ang buhay at wag mong limitahan. Maiksi lang ang life at isang beses lang tayong dadaan.
Wag kang ipon ng ipon dahil nakaipon ka nga at tiniis mo ang sarili mo ng mahabang panahon, tapos sa pagtanda mo mahina ka na at kakaunti na lang ang iyong energy. Kahit gaano pa karami ang iyong yaman, ay hindi mo na ito mae-enjoy pag matanda ka na. Dapat yung tama lang. May ipon ka tapos i-enjoy ang buhay mo rito sa mundong ibabaw na minsan lang nating mararanasan.
Kaya ikaw bili na! Pero wag ka lang mangungutang para lang maipagyabang sa mga kaibigan na bago at mamahalin ang iyong telepono.