Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, June 17

Mga Sinulat Ko Nung College - Part 1

The shortest, oldest words yes and no invoke the most thought
Ibig sabihin nito para sa akin ay pinkaepektibo at mabisa raw na salita sa lahat ang pagsagot mo ng yes or no. Sapagkat kahit sa napakaikling tugon ay ibig sabihin ay nagbibigay ka na agad ng isang pangungusap kapag ika'y nakikipag-usap. Alam na ng kausap mo kung anong gusto mong sabihin at ibig iparating kapag ika'y kanilang tinatanong. Magkamali ka lang kung minsan ay dito pa nagsisimula ang away o gulo, maging sa di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa. At isa pa kailangan din nating pahalagahan at gamitin ng wasto ang mga bagay na maliit kahit na sila'y di pansinin sapagkat kung alin pa ang maganda ay yun pa ang ating di nakikita.


Less talk, less mistake; no talk, no mistake; more talk, more mistake
Napakaganda ng mensahe nito para sa atin. Kung bihira ka nga naman magsalita, konti lang ang posibilidad na magkamali ka. Kung hindi ka naman nagsasalita, malabong mangyaring magkamali ka. At kung masalita ka ay tyak na puro kamalian ang iyong matatanggap. Pero hindi ba't mas mabuti ng magkamali ka ng maraming beses kesa hindi. Dahil kapag nagkakamali ka ay natututo ka at mas nagiging tao ka... At wag sana nating kalimutan ang kasabihang ito, "Experience is the best teacher".


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!