Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, December 28

Mga Solusyong Naiisip Ko

 Ang mga solusyong mababasa mo sa ibaba ay hindi lang applicable sa Bagumbayan, Taguig kung saan ako lumaki. Pwede rin i-apply at i-adapt sa ibang lugar sa Pilipinas. Pwedeng baguhin lang ng kaunti at i-adjust.

----------------------------

1. Solusyon sa Traffic?

-Lagyan ng Jeepney stop para doon lang allowed magbaba at magsakay ng mga pasahero. Gayahin ang sistema sa Hongkong. Para matuto naman ang mga tao na maglakad at mag-exercise.

- Bawasan ang mga pribadong sasakyan na bumibiyahe. Pag walang garahe ay huwag hayaang makabili ng sasakyan. Ang mga lumang jeep ay palitan ng mas mahabang e-jeep. Alisin na rin ang mga tricycle dahil dagdag lang ito sa pagsikip ng kalsada. Ang mga motor, bike at e-bike ay dapat lagyan ng sariling lane (sa gilid ng kalsada).


2. Solusyon sa Crossing?

(Bicutan to C6)

(near SM Bicutan)

- Ang mga traffic enforcer ay dapat palitan na ng traffic lights. Ang traffic lights na ito ay dapat naka-sistema. Ang reason ay para patas at walang kinikilingan kung kelan ba dapat papasulungin ang isang linya ng sasakyan. Para di na rin maghintay ng sobrang tagal ng mga pasahero bago bumaba sa tamang babaan at sumakay sa tamang sakayan.


3. Solusyon sa Tulay na Palaging may Basura?

- Ang mga taong mahuhuling magtatapon sa kalsada basta-basta ay dapat magmulta (either may CCTV o kaya yung makakita ay pwedeng magsumbong at bibigyang pabuya basta may proof). Kapag sa loob ng sasakyan o bus nanggaling ang basura ay huhulihin at pipigilan ito ng alagad ng batas at pagmumultahin. Dapat lang maging disiplinado ang mga tao.

- Yung mga malalapit sa tulay, dapay may CCTV.

  1. Kapag may basura, may pananagutan ang mga bahay na nakatira sa palibot nito.

  2. Ang mahuhuling nagtatapon ang dapat magmulta.

  3. Ang mga makakapagturo ay papabuyaan basta may patunay.

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!