Kung bibili ka ng isang bagay lalo na kung mahal, dapat siguraduhin mong gagamitin mo at hindi pangdisplay o palamuti lamang. Ang isang gamit, gamitin mo man o hindi, masisira't-masisira rin yan sa pagdaan ng panahon. Mabuti ng masira habang ginagamit kesa masira ng nakatago lamang. Atleast hindi ka manghihinayang kasi gamit na gamit mo at napakinabangan mo.
Kaya payo ko sa bibili ng mamahaling bagay kagaya ng kotse o sasakyan. Please lang gamitin niyo ng gamitin iyon at huwag ipang display at gawing palamuti lamang. Binili yan para i-drive at hindi para ipagyabang lang sa iba. Sakyan mo, kaya nga sasakyan.
Remember, the moment you buy a car and leave the store, that's the time where it starts decreasing its value and depreciates.
Kaya gamitin mo na kaibigan at wag hayaang alikabukin lang.