Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, May 28

Mga Supermarket at Convenience Stores sa Pinas

Grabe dati 7-Eleven lang ang bukod tangi at namamayagpag subalit ngayon, kahit saan ka tumingin eh kabi-kabila na ang mga supermarket at convenience stores dito sa Pinas.

Nandyan ang Walter Mart, Puregold, Dali Everyday Grocery, Alfamart, AllDay Supermarket, Ministop, Family Mart at marami pang iba.

Magugulat ka na lang dahil kahit san ka magawing lugar ay malaki ang porsyento na makakakita ka ng alinman sa mga ito.

Kaya kapag may kailangan kang bilhin ay nandyan sila para sa mga pangangailangan mo.

Tara, bili na!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, May 22

Cash Dividends From My Stock Portfolio

Grabe passive income na naman mula sa Philippine stock portfolio ko. Kahit matagal na kong di nakakapag-invest uli, heto't nakatanggap na naman ng cash dividends mula sa dalawang higanteng kumpanya dito sa Pilipinas. Ang Meralco (MER) at Jollibee (JFC).

Masaya sa pakiramdam ang makakuha ng additional income mula sa mga investments natin. Matagal na kong advocate ng paglalagak ng extrang pera sa Philippine Stock Market at madalas ko itong nababanggit sa dating blog ko na jethrosas.com

Sana ikaw rin nag-iinvest dahil hindi lang ikaw ang makikinabang sa ininvest mo kundi ang kumpanyang pinagkatiwalaan mo at nilagakan ng pera. Magagamit nila ang mga perang nalikom nila para mas mapalawak pa at mas mapaganda pa ang kanilang serbisyong ibinibigay sa atin.

Muli maraming salamat Meralco at Jollibee. Sya nga pala pag sinabing JFC eh hindi lang Jollibee ang sakop nito kundi kasama rin ang mga sister company nito na kinabibilangan ng Chowking, Greenwich, Mang-Inasal, Red Ribbon, Burger King Philippines at marami pang iba. Kaya kahit san ka kumain dyan eh kumikita ang may-ari ng Jollibee. :)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, May 8

Z-Lasik Plan at Shinigawa, Ortigas Branch

Nakakita ako ng 3 blogposts na naglalahad tungkol sa z-lasik para luminaw ang dating malabong mga mata.

Nakakaengganyo dahil mula highschool ay nakasalamin na ko. Nais kong maranasan ang magkaroon ng 20/20 vision subalit naroroon ang kaba kung safe nga ba sumailalim sa ganoong operasyon at magkano ang magagastos.

Naririto at basahin ang mga nasabi kong blogposts mula sa kapwa nating pinoy na blogger.

Blogpost1

Blogpost2

Blogpost3

Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, May 1

Internet Service Providers Sa Pinas

Ikaw ba ay naghahanap ng mura at reliable na internet broadband plans dito sa Pinas?

Maraming pagpipilian subalit dapat ay pag aralan at pag isipang maigi dahil karamihan sa kanila ay may contract or lock-in period na kapag nakabitan ka na eh hindi ka basta basta makakapag end ng contract. Unless babayaran mo yung natitirang buwan doon sa lock-in period plus other fees (pero depende pa rin ito sa Internet Service Provider kaya dapat basahing maigi ang contract/terms & conditions bago magpakabit).

Anyway, naririto ang isang article na tungkol sa Internet Service Providers at mga iba't-iba nilang broadband plans sa Pinas. Basahin at magsaliksik. :)


Personal Blogs - Blog Top Sites