Grabe ang kaba ko nung nagsimula akong humawak ng e-Bike at minaneho ito. Di ko alam paano ba aabante o aatras, kailan pipindutin ang signal lights tuwing magpapaliko, bubusina pag mag overtake o nagpapaalala sa mga taong naglalakad na may paparating na sasakyan sa likuran nila, at gaano kasensitibo ng silinyador sa tuwing pipihitin ito. Dagdag pa natin ang mga kasabayan na sasakyan sa paligid mo at mga patakaran sa kalsada na dapat ay may nalalaman ka. Para bang napabili kami nito ng hindi pa handa ang aming sarili at isipan.
NWOW eBike |
Pero nagdaan ang mga araw at buwan, maning-mani na sa akin ang pagda-drive ng e-Bike ng ate ko. Nawala na ang kaba at nadadaan lang pala sa pag-eensayo. Sabi nga nila, lakasan lang daw ng loob at totoo nga.
Pero kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at dapat palaging naka alerto sa paligid habang nagda-drive.
Enjoy kami sa naging desisyon namin na bumili nito. Mga minsan ang dina-drive ko na ay kotse na. At iyun ang next target namin. :)
I hope nalibang ka sa pagbabasa ng blogpost ko na ito. Hanggang sa susunod na post ko, kaibigan.