Eto na naman sila
Naririnig kong papalapit na
Ang lalakas ng mga tinig
Talagang dinig na dinig
Samo't-saring kwentuhan
Ang maririnig galing sa kanila
Kanya kanya ang pabida
Pagbigyan mo na lang sya
Nakakatuwa ang mga lasenggo
Pag nakainom ay loko loko
Pero pag hindi'y matitino
Daig pa ang tupang maamo
Lumalakas ang kanilang loob
Nailalabas ang nasasaloob
Sabi nila mabuting paraan
Para maipahayag ang nararamdaman
Pero kahit na ganon sila
May mapupulot kang aral sa kanila
Makinig ka lang kahit patawa
Wag lang silang kakanta.
Hi! I was just bloghopping and I saw your blog. I see that you've just started out. I really like it that your site is in Filipino. Kudos.
ReplyDeleteKungrats, at happy blogging!
Maraming salamat naman at nabasa mo ang post ko. Buti nahanap mo kala ko walang makakabasa ng mga pinopost ko. Thanks and happy blogging!
ReplyDelete