Ang sarap pakinggan ng mga kanta
ng aking paboritong banda
Naririto ako sa harapan ng computer
tumitipa ng gagawing tula
Habang pinapakinggan ang kanilang awitin
tila napupunta ako sa dati kong buhay
Na sana'y iningatan na lang
nang hindi na nanghihinayang
May karanasang puro malulungkot
meron din namang masasaya
Pero bakit ako nasesenti
pag naririnig ang mga kanta ng Sugarfree
Gusto kong maging katulad ni Ebe
sa pagsusulat ng kanta
Isang bagong makata
sa henerasyon ng mga banda
Magaling din ang kanyang kasama
nadadala ang bawat isa
Nagkakasundo kung anong resulta
ng gagawin nilang kanta
Emo band kung aking igugrupo
maka-emosyonal ang pinupunto
Hindi basta makagawa lang
at tumugtog sa harapan ng madla
Kelan kaya ako magiging kasinghusay n'ya
alam kong hindi ito basta basta
Maraming tinta pa kong uubusin
sa blankong papel na madalas lukutin...
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!