Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Saturday, April 24
Paalam Kahapon
Di ko akalaing kay bilis ng panahon
Dumaan lamang ba ang apat na taon
Ngayon at heto katatapos ng graduation
Sinusulat ko ang aking kahapon
Ang isang bagay na ating hinihintay
Inasaam noon at minamadali ang buhay
Ay darating din naman sa ating kamay
Tayo ay naririto at may tungkuling ibinigay
Sa maikling panahong ating itatagal
Maghunus-dili nawa sa kilos at gawa
Siguraduhing wasto at ika'y nasa tama
Lahat ng bagay ay may katapusan
Sa ayaw at hindi ito'y masusumpungan
Wag ng ipilit ang mga bagay na hindi pwede
Lumayo na lang sa maaaring mangyari
Kagaya din yan ng araw at gabi
Nagsisimula ang lahat sa pagbukang liwayway
Magiging makulay ang mga pangyayari
Hanggang sa lubugan na lang ng haring araw
Ako ang taong sumasakay sa nais
Anumang gustuhin nila'y di ko tinitiis
Napapagod din pala ang magkusa
Lalo't dedma sa tuwing magsasalita
Paalam kahapon at tuluyan na kitang iiwan
May bagong buhay pa na sa aki'y naghihintay
Minsan lamang ako dadaan
At malawak pa ang karagatan..
Free WEB Hosting!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Panda Express Fortune Cookie
- Be bold, try something new. - Success will be yours. - You will find yourself at a happy crossroads. - You are in the company of exception...
maganda
ReplyDelete