Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Wednesday, June 27

Henya, Original Composition and Sung By Jephone Petil



Nag-iisip hinihintay ang tawag mo
Nakatunganga lang ako sa telepono
Magdamag nag-iisip nag-aabang
Darating pa ba o tuluyang iniwan?

Ang puso kong ito'y laging nasasabik
sa twing iniisip ang yakap mo't halik
Di ko malaman kung ngayon ay nasaan
Darating pa ba o tuluyang lumisan?

Chorus:
Para sayo, hindi magbabago
Nananabik sa ating pagtatagpo
Hahanapin ka, maghihintay sinta
Panalangin ko'y wag ng lumisan pa
Darating pa ba? Laging umaasa

Naaalala ang kahapong nagdaan
Tamis ng iyong ngiti ngayon ay nasaan?
Hanggang saan, hanggang kailan maghihintay?
Darating pa ba o tuluyang lumisan

Chorus:
Para sayo, hindi magbabago
Nananabik sa ating pagtatagpo
Hahanapin ka, maghihintay sinta
Panalangin ko'y wag ng lumisan pa
Darating pa ba? Laging umaasa

(Instrumental)

Chorus:
Para sayo, hindi magbabago
Nananabik sa ating pagtatagpo
Hahanapin ka, maghihintay sinta
Panalangin ko'y wag ng lumisan pa
Darating pa ba?
Darating pa ba?
Darating pa ba?
Laging umaasa

Gustong-gusto ko ang kantang ito. Sobrang nakakarelate ako. Gustuhin ko man gitarahin at kantahin ito, kaya lang hindi ko alam ang chord progression.

Sa ibang musikero na matalas ang tenga pagdating sa mga nota ay nakakapa nila ang isang kanta sa pamamagitan ng pakikinig lamang.

Sana may talento din ako na kagaya ng sa kanila.

Anyway, panoorin mo ang video sa itaas at namnamin ang bawat salita ng lyrics.

Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.