Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, June 6

Ang Feelings Ay Di Mutual

Ang feelings pala natin ay hindi mutual
Mukhang di makahinga at ika'y nasasakal
Tila malabo na ang aking inaasam
Na ikaw at ako ay maikasal

Handang handa pa naman ako
Reding ready na rin ako
I-give up lahat para sayo
Para makamit ang matamis mong oo

Wala akong pakialam kung di ka pumasa sa standards ko
Basta alam ko, sayo natuon ang puso ko
Subalit anong isinukli mo
Wala pa yata sa halaga ng dyes o sentimo

Akala ko talaga tapos na ang paghahanap ko
Sa aking soulmate at destiny ko
Lahat handang ibigay sayo
Heto't itinatayo ko ang ating palasyo

Hindi ka man prinsesa sa paningin ng iba
Sa aki'y sisiguraduhin kong ikaw ay prinsesa
Hindi man ako ang prinsipe mo
Ang mahalaga'y naririto na iyong kabalyero

Pero pag dumating na ang prinsipe mo
Tapos na ang lahat ng tungkulin ko
Siya na ang mas may karapatan sayo
Pagkat sa wakas nahanap mo na ang destiny mo

Ang taling akala ko'y nakatali sakin at sayo
Naputol at napigtal sa kakapumiglas mo
Akala ko'y iisa ang bangkang sinasakyan natin
Nakisakay ka lang pala hanggang makita ang mamahalin..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.