Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Wednesday, November 18

Puto Bumbong at Tsaa

Hindi ko alam na magandang kombinasyon ang puto bumbong at tsaa. Kumakailan ko lang natikman nung bumili yung kapatid kong babae at pinatikman sa amin.

Grabe! Kung ang puto may dinuguan, ang mangga may bagoong, chicharon ka-tandem si suka at gulaman ay dapat may sago (wag na nating isama ang Kathniel, Jadine at Lizquen, hehe!). Ang puto bumbong ay dapat i-partner sa tsaa. Kung di mo pa nasusubukan at natitikman ay kailangang matikman mo, kaibigan.

Habang sinusulat ko ito bigla kong naalala yung kanta ni Willie Revillame na may lyrics na puto't dinuguan. Talagang hinahanap ko sa internet at sa wakas ay nakita ko din. Heto at pakinggan mo:



Maraming bagay sa mundo ang kailangan ng kapartner. Kagaya rin yan sa tao. Mahahanap mo din kung sinong other half mo kaya wag kang magmadali. There is a time for everything and God has a perfect time for it. I-enjoy mo lang ang buhay sapagkat talagang napakaiksi nito. Ipakita mo sa mga mahal mo sa buhay na talagang mahal na mahal mo sila. Pasensya na kung medyo naging seryoso ng kaunti.

Basta tikman mo ang puto bumbong na may kumbinasyong tsaa at siguradong paniniwalaan mo itong blog post kong ito. Maghanap ka na sa daan, hehe!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.