Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, December 15

Pakiramdam Ko

Pakiramdam ko heto na
Hayag na sa akin ang tadhana
May mga anak na nga ang iba
Habang ako'y abala sa aking istorya

Naku-curious tuloy ako
Tignan ang Facebook page nila
Kitang-kita ang saya sa mga mata
Ang pag-ibig na di ko pa nadarama

26 years old na ko
Naglalakbay nang hindi pa kumpleto
Tila wala pa talaga sa isip ko
Gisingin ang natutulog na puso ko

Apat na taon pa kasi
Ang ibinigay ko sa sarili
Gusto kong maging stable at mayaman ako
Bago hanapin ang kabiyak ko

Ang mga babaeng pumana sa puso ko
Hayun at nasa ibang lebel na
Hindi na kami kailanman magkakasabay
Pagkat nauna na silang humakbang

Hindi ko alam kung hanggang kelan
Pagpapasensyahan ang pusong pihikan
Masyado bang mataas ang standards ko
Baka ang tadhana sa aki'y magtampo.


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.