Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, October 26

Di Porket Love Team, Sila Na Ang Magkakatuluyan

Dati akala ko pag love team, sila na magkakatuluyan. Pero mali pala. Madalas ginagawa lang nila ang ganoon dahil iyon ang gusto ng tao..

Bibihira lang talaga yung nagkakatuluyan sa huli. Ako inaamin ko Sarah fanatic ako at may gusto akong makatuluyan nya dati. Ang Ashlloyd o Sarah-John Lloyd ay talagang malakas ang dating at hatak sa tao. Kakaiba kasi love team nila at umaapaw ang chemistry. Pero hanggang doon na lang siguro yun (sa pelikula) at hindi magkakatotoo. Ganoon din sa Ashco o Sarah-Coco. Ang ganda din ng tandem nila lalo na yung Maybe This Time. Ang lakas maka PBB teens ang chemistry nila.

Anyway, naisulat ko lang ito para malinawan ang ibang fansclub lalo na yung sumusuporta sa love team na hindi porket love team ang iniidolo nyo ay sila sa huli. Hindi masamang umasa pero kung talagang di talaga pwede, wag ng ipagpilitan pa. Kung may project sila, suportahan. Pero kung sa ibang artista sila ipareha, eh wag namang boycotin at magsalita ng hindi maganda.

Kaya ako mas pinili kong suportahan yung artista bilang sya lang. Kung may projects man sya with different actors and actresses, susuportahan ko. Ganon dapat ang isang tagahanga. At kung may hindi magandang sasabihin tungkol sa ibang artista, mas mabuting manahimik na lang.

Tandaan walang masama sa pagiging fan or supporter. Ang masama eh yung halos ibigay mo na ang buong sarili mo sa kanya. May buhay ka din na dapat asikasuhin at may responsibilidad sa iyong pamilya. Learn to balance and prioritize what is important.

Salamat sa pagbabasa. ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.