11/09/2008

Sa Mga Gustong Maging Writer...

Kung sa palagay mo malabong mangyari ang pinapangarap mong maging isang manunulat, dyan ka nagkakamali. Dito palang sa ginagawa ko matatawag ka ng isang writer... yun nga lang tanging sarili mo lang ang nagdeklara at nagsabi. Ang mahalaga naman maipahayag mo kung anong nasa loob ng isip mo at emosyon na matagal ng nagngangalit bumulusok palabas.. hindi mo lang alam kung paano. Ang tanging gamot lang na makakalunas ay ilatag sa puting papel o sa espasyong ibinigay sayo ng libre kagaya nito (blog). Walang masama kung susubukan at masasabi mong sa wakas
isa na akong ganap na writer! yun nga lang hindi sa KANILA...

0 comments: