11/12/2008

Hindi Raw Kwalipikado...

Sa iba'y tila isang basura
Para sa akin ay isa ng obra maestra
Hindi nila nakikita
Pambabalewala ang sagot nila

Masayang-masaya na ko sa mga tula
Na nagagawa ko
Subalit bakit sa kanila ay iba
Kung ituring ang akin ay bato

Mayroon silang sariling pamantayan
Na dapat daw ay sundin ko
Pagkat yun daw ang tama
Para mapansin ang gawa ko

Dapat ba talaga naaayon
Sa isang nakasanayang bagay
Upang maging kabilang
Sa mundong inyo lang??

2 comments:

Janis Mae said...

Hi! You might enjoy this link:

http://arnivorous.blogspot.com/2008/04/writing-q-tips.html

Happy blogging, too!

tajeng said...

thanks sa comment! tlga, mganda bg ng fs co? ;D binago co na nga ulit eh. view it again..